American actor Ezra Miller bibida sa bagong DC superhero film na ‘The Flash’

American actor Ezra Miller bibida sa bagong DC superhero film na ‘The Flash’

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

MAGLALABAS ng bagong epic superhero film ang DC Extended Universe (DCEU) sa Hunyo!

At ‘yan ay tungkol sa tinaguriang “fastest man alive” ng DC Comics na si Barry Allen o mas kilala bilang “The Flash.”

Kalalabas lang ng trailer ngayong February 13 at ang bibida sa pelikula ay ang American actor na si Ezra Miller.

Mapapanood sa pasilip ng “The Flash” na ginamit ni Barry ang kanyang superpowers upang baguhin ang kanyang nakaraan upang mailigtas ang kanyang pamilya.

Ngunit dahil diyan ay nagkagulo ang universe at nagbalik ang isa sa pinakamatindi niyang kalaban na si “General Zod.”

Tampok din sa pelikula ang ilang DC heroes na sina Superman, Batman at Super Girl.

Ilan pa sa mga makakasama ni Ezra sa upcoming superhero film ay sina Sasha Calle, Michael Shannon, Ron Livingston, Maribel Verdú, Kiersey Clemons, Antje Traue, at Michael Keaton.

Inanunsyo ng Warner Bros. Pictures na mapapanood ‘yan sa mga sinehan nationwide sa darating na June 14.

Related chika:

Walang ‘final destination’ ang pag-ibig, dumadaan tayo sa parehong emosyon – Jeremy G

Read more...