Ogie napagkamalang senior citizen, hirit ni Gary: ‘Ha!? Nauna ka pa sa akin? Baka naman Señor!’

“SENIOR moment!” Yan ang naranasan ng Ultimate Singer-Songwriter na si Ogie Alcasid nang mag-post siya ng ng dalawang identification card sa social media.

Maraming bumati sa hubby ni Asia’s Songbird Regine Velasquez dahil “looking good and gorgeous” pa rin daw siya sa edad na “60” kabilang na riyan ang ilang kaibigan niyang celebrities.

Nag-post kasi ang Kapamilya TV host-singer sa kanyang Instagram account kahapon, February 12, ng mga ID niya sa dalawang asosasyon ng larong golf na kanyang kinabibilangan.

Ito ay ang Federation of Philippine Amateur Senior Golfers, Inc. at Federation of Golf Clubs Phils., Inc.. Sabi ni Ogie sa caption ng kanyang IG post, “Yep, senior na po talaga. (smiling face with three hearts, praying hands emojis).”

Inakala ng kanyang IG followers na pang-senior citizen ang mga nasabing ID kaya  discounted na raw siya sa kanyang mga binabayaran.

Isa sa mga nagkomento sa post ni Ogie ay ang kanyang kaibigan at co-host sa “ASAP Natin To” na si Gary Valenciano. Joke ni Mr. Pure Energy, “Huh? Nauna ka pa sa akin (laughing emoji) baka naman Señor at di senior”

Reply naman ni Ogie kay Gary V, “@garyvalenciano hahaha senior golfer bro (laughing emojis).”

Nag-react din ang kapatid ni Ogie na si Gigi Alcasid, “Why are you senior?” Na sinagot naman niya ng, “@gialcasid senior golfer is at 55 ate”

Isa pang netizen ang nagpahayag ng pagkabigla dahil hindi raw niya inakala na “senior citizen” na pala si Ogie, “Wow looking gorgeous at 60! (thumbs up emoji).”

Pero agad naman siyang kinorek ni Ogie, “@myjaneb 55 lang po.”

Sa Pilipinas, kapag tumuntong na ang isang indibidwal sa edad na 60 ay itinuturing na siyang “senior citizen” at pwede na siyang makapag-avail ng 20% discount sa mga serbisyo at produkto na kanyang bibilhin.

Isinilang si Ogie noong August 27, 1967 kaya 55 lang siya ngayong taon.

Related chika:

Ogie humingi ng sorry kay Angeline: Nauna tayong mag-gender reveal sa kanya

Read more...