Kristoffer Martin ‘2nd place’ sa unang pagsabak sa triathlon: Grabe! Hindi pa rin ako maka-get over!

Kristoffer Martin ‘2nd place’ sa unang pagsabak sa triathlon: Grabe! Hindi pa rin ako maka-get over!

PHOTO: Instagram/@kristoffermartin_

SUPER proud na ibinandera ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang kanyang bagong achievement sa buhay.

‘Yan ay matapos niyang makuha ang “second place” sa kauna-unahang Triathlon competition na sinalihan niya sa Subic.

“Naka-podium tayo sa first triathlon natin mga Kapuso! 2nd place!,” masayang caption niya sa isang Instagram post.

Ibinahagi pa ng aktor ang ilang tinamong injury dahil sa kompetisyon, ngunit nangibabaw pa rin ang kanyang saya dahil natapos niya ito.

Chika niya sa caption, “Sumemplang pa ko sa bike. Nangyayari talaga aksidente pero grabe yung binigay na strength mo sakin Lord! Natapos ko siya dahil sayo!”

Lubos din niyang pinasalamatan ang kanyang pamilya dahil sa pagsuporta sa kanya, lalo na ang kanyang misis at anak.

Sey ni Kristoffer, “Grabe support system ko sa asawa at anak ko. Thank you mommy @acbanzooon sa pag-support sakin sa simula pa lang ng nag-register ako hanggang sa race kanina. And kay Prè na grabe mag-cheer.”

“Ginanahan ako ng malala pag-ahon ko sa dagat nung narinig ko yung sigaw niya,” aniya.

Dagdag pa niya, “This race will definitely have a special place in my heart. Ang daming nangyari sa race na ‘to. Congraaats sa lahat ng participants!”

Napa-comment naman diyan ang ilang kapwa-artista at pinapalkpakan siya sa kanyang naging achievement.

Kabilang na riyan sina Bea Binene, Jak Roberto, Rodjun Cruz, Andrew Muhlach, Michelle Dee,  at marami pang iba.

Related chika:

Kristoffer Martin binago ni Lord ang buhay mula nang mag-asawa: May magic ang kasal, akala ko dati title lang siya, hindi pala

Read more...