Talagang ikinagulat ng mga miyembro ng entertainment press ang nakakalokang statement ni Cherry Pie sa mediacon ng pelikula nilang “Oras de Peligro” mula sa direksyon ni Joel Lamangan.
Ayon sa aktres, payag siyang gumanap na Imelda Marcos sa pelikula pero, “Depende sa konteksto ng pelikula, sa script why not? Pero by Darryl Yap, no!”
Sundot na tanong sa kanya kung bakit ayaw niyang magpadirek kay Darryl, diretsahang sagot ni Cherry Pie, “Ewan ko, may kunsensiya pa ba siya?”
Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Direk Darryl ang news item mula sa BANDERA kalakip ang sagot at paliwanag niya sa mga patutsada ng Kapamilya actress.
“Aking Reaksyon tungkol sa Pahayag ni Ms. Cherry Pie Picache,” simulang pahayag ni Darryl Yap.
Pagpapatuloy pa ng direktor ng “Maid In Malacañang” at “Martyr Or Murderer, “Tinatanong po ni Miss Cherry Pie Picache kung may konsensya pa raw ba ko dahil sa mga Marcos films na ginagawa ko.
“Sasagutin ko po ang tanong nya, ng dalawang tanong.
“1. Alin kaya sa eksena sa #MAIDinMALACAÑANG at #MARTYRorMURDERER ang hindi totoo, napanood na ba nya ang #MIM, kasi ang #MOM ineedit ko pa. Ano sa loob ng mga gawa ko ang kasinungalingan?
“2. Napakahusay umarte ni Miss Cherry Pie, pero ngayon lang ako parang naOAyan sa kanya (actually pangalawa na pala ito, una nung umiyak sya sa kampanya ni Leni at para siyang CEO na isang pyramiding company na sumisigaw ng MANGHIKAYAT KAYO!) ito, seryosong tanong Miss.
“Napanood ko kasi kung paano mo pinatawad ang pumatay sa Nanay mo, ang pagsabi mo ng magagandang bagay patungkol sa pangtanggap at pagbibigay katwiran sa mismong kriminal na pumatay na Nanay mo— naisip ko, YUNG PUMATAY SA NANAY MO, NAYAKAP MO.
“Sigurado kang may kabutihan sa kanya…
“Ako, na gumagawa lamang ng pelikula (na dahilan kung bakit kayo may pelikula) AKO ANG TINATANONG MO KUNG MAY KONSENSYA?
“At wag po kayong mag-alala; wala naman po akong deklarasyon na gusto ko kayong makatrabaho. #KAMOTEpie.
“MARAMING SALAMAT. #MOM MARCH 1,” ang pahayag pa ng direktor.
In fairness, nilinaw naman agad ni Cherry Pie na wala siyang personal na galit kay Direk Darryl, “Hindi ako galit, nililinaw ko po walang personalan. It’s just that I’m just making a stand na parang ano ba (alam naman ng lahat ang totoo).
“It’s his work, so, kami naman whatever expression you want to say or you want to use, this is a democratic country. Actually, tanong ‘yun, ‘may konsensiya pa ba siya?” sey pa niya.
Related chika:
Ai Ai dumulog sa NBI para hantingin ang mga ‘pumatay’ sa kanya sa socmed