Anne Curtis pinaiyak ang fan na hindi nakapasok sa ‘Showtime’: ‘Hindi niya kailangang gawin ‘to, but grabe!’

Anne Curtis pinaiyak ang fan na hindi nakapasok sa ‘Showtime’: ‘Hindi niya kailangang gawin ‘to, but grabe!’

PHOTO: Screengrab from Twitter/@gladzzann

MARAMI ang napa-”sana all” sa isang super fan na ibinandera ang fangirling moment kasama ang Kapamilya TV host-actress na si Anne Curtis.

Base sa viral Twitter post ng username na si @gladyzzann, gumawa ng paraan at nakipagkita mismo sa kanya ang kanyang iniidolo.

Kwento pa niya, hindi kasi siya umabot sa cut-off ng antigen testing na isa sa mga requirements upang maging studio audience ng noontime variety show na “It’s Showtime.”

Dahil daw sa kagustuhan niyang makita si Anne ay nagbakasakali na siyang i-message ito sa Instagram.

“So ‘di kami nakanood sa studio kanina, balak sana namin siya dalawin before her birthday. Then I just tried to message her na hindi kami nakapasok. Then ayun na nga, ‘yung usapan namin kanina super nanghihinayang siya,” chika ni Gladyz.

Gumawa pa, aniya, ng paraan si Anne para mapapasok siya ngunit mahigpit daw talaga ang protocols sa studio.

“Ito ‘yung nagpaiyak sakin…knowing that she literally tried her best way din pala na papasukin pa kami but we both failed kasi until 11am lang cut off ng test,” emosyonal na kwento ni Gladyz.

Gayunpaman, dahil pursigido ang fan na makita ang kanyang idol ay nagtiyaga siyang mag-abang sa labas at hindi ito nabigo dahil nakipagkita pa rin si Anne sa kaniya.

Saad niya sa post, “GRABE LANG [crying emoji] mahal na mahal ka namin Anne Curtis. Walang makaka-describe as in!”

Dagdag niya, “We informed her na nag-stay pa kami and hoping na makita na lang namin siya after ng show. AND THE REST IS HISTORY!!! Ang haba din ng time na nakasama namin siya, sobrang worth it ang paghihintay grabe!!!”

Aniya, “We deserve you, Ate Anne. Pero lagi mo pinaparamdam samin na deserve namin maging fans mo [red heart emoji].

“An established well-known superstar and yet, sobrang sweet sa mga fans. Hindi niya kailangang gawin ‘to but grabe. Kita mong mahal niya rin talaga kami [crying emoji].”

Libo-libong fans naman ang tuwang-tuwa sa magandang gesture ni Anne na talagang pinapahalagahan ang kanyang mga taga-suporta.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin komento sa viral post:

“Wow sana all! Siya rin ang dyosa ng buhay ko. Super bait ni Anne Curtis noon hanggang ngayon idol ko po siya.”

“omg! very sana all [crying emoji]”

“Queen thingz. OMG! [red heart emojis]”

Related chika:

Bea Alonzo nagpaka-’fangirl’ kay Michael V: Nakilala ko na sa personal si Bitoy!

Read more...