Gladys gustong ma-interview si Heart, may nakahanda ng tanong: E, di yung gusto n'yo ring malaman! Sila pa ba? | Bandera

Gladys gustong ma-interview si Heart, may nakahanda ng tanong: E, di yung gusto n’yo ring malaman! Sila pa ba?

Ervin Santiago |September 25,2022
facebook
share this

Gladys gustong ma-interview si Heart, may nakahanda ng tanong: E, di yung gusto n’yo ring malaman! Sila pa ba?

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 12:44 PM

Heart Evangelista at Gladys Reyes

PINAGHAHANDAAN na ni Gladys Reyes ang araw sakaling mabigyan siya ng pagkakataon na ma-interview ang controversial Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Actually, may mga naiisip na siyang concept para sa guesting ng fashion icon sa talk show niyang “Moments” na napapanood sa NET25 tuwing Linggo, 4 p.m..

Bukod dito, nakahanda na rin daw ang mga pasabog niyang tanong sa aktres.

In fairness, 16 years na ang talk show ni Gladys sa NET25, pero aniya never pa niyang naging guest si Heart sa programa kaya looking forward siya sa araw na maka-face-to-face ang asawa ni Sen. Chiz Escudero.

“Parang naiisip ko na tuloy yung concept namin pag nag-guest siya. Yung parang mag-aawra-awra kaming ganyan! Ha-hahaha! Para masaya rin,” pahayag ni Gladys sa naganap na mediacon ng NET25 nitong nagdaang Miyerkules, Semptember 21, sa Studio 1 ng Eagle Broadcasting Corp. (EBC).

At kung sakali ngang makaharap niya si Heart, anu-ano ang mga pasabog niyang tanong, “Ha? E, di yung gusto ninyo ring malaman! Sila pa ba?” napapangiting tugon ni Gladys.

“Hindi naman, di ba, gusto ko lang magpakatotoo! Siyempre pati ako curious, di ba?” aniya.

View this post on Instagram

A post shared by Gladys Reyes-Sommereux (@iamgladysreyes)


Dugtong ng award-winning actress, “Hindi naman sa nagiging ano tayo, pero siyempre, alam mo isa po yun, no. Share ko lang, most of my interviews sa Moments lalo na noong kino-co-prod ko, wala akong script diyan.

“Kapag may iniinterbyu ako na mga personalidad, ganyan… ako po kasi, nandu’n ako sa, ‘Ano ba ang gustong malaman ng tao?’

“Sa akin po, ganu’n, e. Yung kung ako ang nanonood nitong interbyu ni Gladys at saka halimbawa kung sino man po yung guest niya, ‘Ano ang gustong itanong ng nanonood?’

“Yun po ang mas sinusundan ko, yung ganu’n. Kasi, interesado ako, e, kung ano yung gustong malaman din ng mga tao.

“Kaya hindi ako nagbe-base usually po sa script. Hindi scripted yung mga tanong ko.

“Usually, yung follow-up questions kapag meron siyang na-open na, ‘Uy, very interesting yun! Magpa-follow up ako.’

“So, yun din po ang isa sa siguro kaya nag-train din ako talaga nang husto sa Moments na mag-host. Of course, ang dami ko pang kakaining bigas dun sa mga napakahuhusay po sa larangan ng pagho-host.

“Aminado ako before, dahil sa sobrang daldal ko, parang mas ako yung guest. Ha! Ha! Ha! Ha! Yung ganyan, nagsasalita ang guest pero dahil hyper ako, gusto ko agad magtanong ng follow-up.

“Pero siyempre, over time, natutunan kong makinig din, ano. Listening, not just talking. So, yun po siguro ang masasabi ko na natutunan ko dito sa pagho-host,” ang litanya pa ng aktres.

Sa mga naging guests niya sa “Moments” memorable para sa kanya ang interview niya kina, “Siyempre po yung kay President BBM (Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.).

“Although that was I think 2018, ano? Ahhm, hindi pa siya president siyempre pero kasi po, yun ang natutuwa ako, yung naikuwento niya talaga, paano sila nagkakilala ni Ma’am Liza, di ba?

“Tapos maririnig mo talaga yung genuine tawa. Yung puro tawa siya sa mga kuwento niya na nakalimutan niya yung pambayad sa date nila. Yung mga ganu’n.

“Kasi, yun nga po talaga ang goal ko sa Moments, ano? Mailabas talaga yung mga nakakatuwa at nakakatawang mga pangyayari sa buhay nila na hindi alam talaga ng karamihan, ano?” chika ng magaling na kontrabida.

Dagdag pa niya, “And of course, siyempre always memorable sa akin si Ate Vi (Vilma Santos). Twice na po siyang nag-guest sa Moments.

“And I’m looking forward for our third. Kasi, yun nga po, inaayos namin siyempre yung third na pagpapaunlak sa amin ni Ate Vi.

“Dahil siyempre, ibang usapan na ngayon, being a grand lola na, ayan. Ahh, yun po, napaka-memorable din po yun sa akin.

“And of course, nai-guest ko rin po si Inay Marya, si Miss Maricel Soriano, na napakatotoo rin noong nainterbyu namin.

“Ang sarap kasi tawa lang din kami nang tawa. Kasi kung mapapansin nila, pag Moments, parang nagkukuwentuhan lang sa sala, ano Parang walang pressure. Parang walang kamera. Kaya napapalabas mo kung ano talaga ang totoo.

“Si Judy Ann Santos, of course na-guest ko na. Inuna kong i-guest ang kaibigan ko na yan. And Angelu de Leon, Carmi Martin.

“Mga kaibigan ko po, inuuna ko po. Because sa mga first years ng Moments, halos ako yung talent coordinator niyan. Ganu’n po ako ka-hands on du’n sa aking programa.

“Kaya sabi ko, hindi puwedeng hindi mai-guest sa akin sina Juday and Ryan Agoncillo. And soon, ito po, on the 27th I think, I will be taping also with Claudine Barretto naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“First time niyang maggi-guest sa Moments. And I’m sure, very interesting yung magiging kuwentuhan namin du’n,” pahayag ni Gladys.

Gladys Reyes ibinandera ang pink outfit, netizens na-curious: Kakampink ba siya?

Alden may mga childhood memory na ayaw nang balikan: Because it was so painful…

Joshua Garcia ‘proud moment’ ang makasama sa stage si Daniel Padilla: Walang kumpetisyon sa amin

Kylie nag-promise sa 2 anak nila ni Aljur: Mama is not perfect, but mama will try her best

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending