Maxene gagawa ng libro: I will share the important life lessons that I learn in my personal journey

Maxene gagawa ng libro: I will share the important life lessons that I learn in my personal journey

PHOTO: Instagram/@maxenemagalona

IBANG level ang bagong pagkakaabalahan ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona.

Excited niyang inanunsyo sa social media na gagawa siya ng sariling libro!

Sa isang Instagram post, inilahad ni Maxene ang kanyang pasasalamat sa Diyos dahil nabigyan siya ng magandang pagkakataon upang ibahagi ang kwento ng kanyang buhay.

Caption niya, “Dear God, Thank you for the opportunity to write about my story, express my thoughts and speak my truth honestly and compassionately.”

Ilan daw sa mga ilalagay niya sa libro ay ang mga mahahalagang leksyon sa buhay na siya mismo ang nakaranas.

“My intention is to share the important life lessons that I learn in my personal journey so that those who may need some help or guidance can also find their way out of the darkness and into the light,” saad niya sa IG post.

Mababasa din sa kanyang post ang kanyang panalangin upang siya ay gabayan at para makatulong na lalong mapalapit ang maraming tao sa Diyos.

Saad niya, “As I always say in my daily prayers, ‘Lord, please tell me what I need to do so that I can help bring more people closer to You’.”

Kung mapapansin ay tila naging habit na ni Maxene ang mag-share ng ilang aral na natutunan niya sa buhay.

Ibinabandera niya sa kanyang social media ang samu’t-saring mga payo tungkol sa pag-ibig, buhay asawa, kaibigan, mental health, at pati mga tungkol sa pag-aalaga sa sarili.

Ang huling post pa nga niya ay noong January 26 na kung saan ay tinalakay niya ang isa sa kanyang “unhealthy behavior pattern.”

Ito raw ay ‘yung madali siyang ma-trigger kapag may isang bagay siyang hindi nakukuha.

Saad niya, “Getting triggered is one of the worst things that could happen in your healing journey because while you’re trying your hardest to heal and transform into a new and better version of yourself, your old energy is still naturally part of your system which is why it’s inevitable that you will fall back to your old ways.”

Sey pa ng aktres, nakaka-frustrate ito lalo na sa mga sumasailim pa rin sa kanilang healing journey.

Naisipan niya raw itong ibahagi sa kanyang followers, “To let those of you who may be experiencing the same thing know that you are not alone.

Related chika:

James sa Hollywood career ni Liza: Gagawa siya ng history bilang Filipina actress…and this is just the beginning

Read more...