Arnel Pineda nagsalita na sa isyu ng mga miyembro ng Journey: ‘They can fire me anytime…’

NAGSALITA na ang frontman ng American rock band na The Journey na si Arnel Piñeda tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanilang grupo.

Usap-usapan ngayon sa social media ang chika na isa raw si Arnel sa dalawang miyembro ng Journey na kontra sa pagbabalik ng dati nilang kabanda na si Gregg Rollie.

Hindi na nakapagtimpi si Arnel at naglabas na nga ng kanyang saloobin hinggil sa kung anu-anong isyu na ibinabato sa kanya at sa iba pa niyang bandmates.

Ito’y sa gitna nga ng kanilang ongoing 50th anniversary “Freedom” tour na nababahiran ng malilisyosong chika at intriga.

Isa nga sa kontrobersyang ikinakabit sa Journey ay ang legal financial battle sa pagitan ng gitaristang si Neal Schön at ng keyboardist na si Jonathan Cain.

Nadamay ang pangalan ni Arnel dito nang mag-post sa Facebook ang asawa ni Neal na si Michaele Schön na may kaugnayan nga sa pagbabalik ng isang miyembro ng Journey.

“TWO BAND MEMBERS of the Journey current LINE UP ARE ‘adamant NO’ against Gregg Rolie to return.

“Neal Schön and Gregg ROLIE will be somewhere Together at least one time this Year in Honor of what they began in 1972.

“Faith, let’s ask God to find a way for them. let’s pray for forgiveness for those who hurt Gregg ROLIE and hope they learn what spirituality is someday. We all love you !!” pahayag ni Michaele Schön.

Ang hula ng mga netizens, sina Arnel at Jonathan daw ang dalawang band members na kumokontra sa pagbabalik ni Gregg Rolie sa banda.

Sa pamamagitan ng Twitter, una itong sinagot ni Arnel noong January 13, 2023. Depensa niya, “You people are unbelievable…

“Whoever’s spreading rumor about me regarding the #GregRollie issue are maliciously ignorant..im not gonna stoop down to your level,” dugtong ng Filipino artist.

Nasundan pa ito ng dalawa pang tweet ni Arnel noong February 5, kung saan sinagot uli niya ang mga negatibong ulat na patuloy na ikinakabit sa kanyang pangalan.

Mensahe ni Arnel, “m with the band to sing the legacy…if some of them are tired of me being with them, with all means, they can fire me anytime.

“And don’t lecture me about spiritual BS..#walkthetalk,” aniya.

Dugtong pang paglilinaw ng singer, “All i know? is #ivepaidmydues so stop reminding me where i came from..coz it’s in my heart everyday.

“You just don’t pay attention..im not a slave..im a human being like anybody else.

“#wrongiswrong #rightisright that simple,” mariin pa niyang sabi.

At nito lang nagdaang February 8 ay nag-post uli sa Twitter si Arnel ng mensahe para sa lahat ng nagpapakalat ng malilisyosong balita tungkol sa Journey.

“So much hatred people..we’re on the brink of WWIII..Lets just spread LOVE…

“Don’t you think its better to die being loved than being hated? (heart emojis),” pahayag pa ni Arnel Pineda.

Related chika:

Arnel Pineda ginagamit ng scammer sa FB para mambudol at manghingi ng pera

Read more...