ISA ba kayo sa mga “martir” o madalas ma-”basted” sa pag-ibig?
Nako, hindi kayo nag-iisa diyan dahil marami pa rin ang nakaka-relate kahit Valentine’s Day na.
Ayon sa isinagawang survey ng Social Weather Stations, 33% o tatlo sa sampung Pinoy ang nakararanas ng tinatawag na “unrequited love” o pagmamahal na hindi nasusuklian.
17% naman ang kasalukuyang walang love life.
Habang 50% naman ang na’-basted matapos aminin ang kanilang nararamdaman sa kanilang kaibigan.
Nakasaad din sa survey ng SWS na karamihan sa mga nagco-confess ng pag-ibig ay mga lalaki kaysa sa mga babae.
Ikaw ba ay nakaranas na ng unrequited love o pagmamahal na hindi nasuklian?
The Fourth Quarter 2022 Social Weather Survey found 3 out of 10 adult Filipinos who have experienced unrequited love.
More at https://t.co/kTDUbYjboh pic.twitter.com/UiCu0EL0LN
— SWS (@SocialWeatherPH) February 10, 2023
Samantala, 57% naman ng mga Pilipino ang “very happy” sa kanilang love life, habang 25% naman ang nagsasabing “could be better” o maaaring may ma-workout pa sa relasyon.
Isinagawa ang survey noong December 10 hanggang 14 sa 1,200 na respondents.
Mayroon itong sampling error margins na hindi na higit pa o mas mababa sa 2.8 percent.
Read more:
Takot ng mga Filipino sa COVID 19, ‘record high’ – SWS survey