Ruffa humiling ng dasal para sa mga taga-Turkey: 'Hopefully makakabangon din sila, just stay strong' | Bandera

Ruffa humiling ng dasal para sa mga taga-Turkey: ‘Hopefully makakabangon din sila, just stay strong’

Ervin Santiago |February 12,2023
facebook
share this

Ruffa humiling ng dasal para sa mga taga-Turkey: ‘Hopefully makakabangon din sila, just stay strong’

Ervin Santiago - February 12, 2023 - 10:29 AM

Ruffa humiling ng dasal para sa mga taga-Turkey: 'Hopefully makakabangon din sila, just stay strong'

Imelda Marcos, Ruffa Gutierrez, Yilmaz Bektas, Venice at Lorin Gutierrez

NAG-ALALA at inatake din ng matinding tensiyon ang aktres at TV host na si Ruffa Gutierrez nang mabalitaan ang malakas na lindol na yumanig sa bansang Turkey noong February 6.

Base sa ulat, umabot na sa mahigit 17,000 katao ang namatay dahil sa naganap na magnitude 7.8 lindol sa nasabing bansa.

Ilang taon ding nanirahan si Ruffa sa Turkey noong nagsasama pa sila ng kanyang ex-husband na si Yilmaz Bektas, ang tatay ng dalawa niyang anak.

2 Pinoy patay sa 7.8 magnitude na lindol sa Turkey

Sa naganap na grand mediacon ng pelikulang “Martyr Or Murderer” ng Viva Films ay natanong si Ruffa kung ano ang naramdaman niya nang malaman ang nangyaring trahedya sa Turkey.

“I felt bad. Nakausap ng anak ko yung daddy niya, si Yilmaz. Nakausap ko rin and, at that time, this is a few hours after the earthquake.

“Sabi niya (Yilmaz), hindi pa niya makontak yung ibang relatives niya doon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag)


“Siyempre, malaki ang nangyari (na lindol) sa Turkey, please offer our prayers and condolences to those affected,” ang panawagan ng aktres para sa mga tagaroon.

“Nalungkot talaga, even ako nalungkot talaga and like I’ve said earlier, I offer my prayers and condolences to those in Turkey, Syria and other places affected, and hopefully makakabangon din sila. Just stay strong,” ang mensahe pa niya sa mga mamamayan ng Turkey na naging malaking bahagi rin ng kanyang buhay.

Abra niyanig ng magnitude 7 na lindol; naramdaman din sa NCR, iba pang bahagi ng Luzon

Samantala, iwas na iwas pa rin si Ruffa kapag natatanong tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ngayon ni Herbert Bautista na isa sa pinagpilian para sa karakter ni Ninoy Aquino sa “Martyr Or Murderer” na sa huli ay ibinigay kay Isko Moreno.

Basta ang laging sagot ni Ruffa kapag natatanong about Bistek ay ang magagandang values at life lesson na nakukuha niya sa actor-politician.

“Yung sa pag-aaral uli, I consider him my mentor and my professor in a way kasi I never thought that I would be able to study. I was able to graduate last year, last September ng college.

“Sabi niya, ‘Kaya mo yan kahit busy ka. Puwede mong tapusin ang Master’s mo.’ Magandang influence siya sa buhay,” sabi ni Ruffa.

Samantala, si Ruffa nga uli ang gumaganap bilang Imelda Romualdez Marcos sa “Martyr or Murderer”, ang part 2 ng blockbuster hit na “Maid In Malacañang” sa direksyon pa rin ni Darryl Yap.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donny, Belle sa pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV: Hopeful pa rin kami, positive lang tayo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending