John Prats wish maidirek ang concert nina Justin Timberlake, Regine at Ogie; kunin kaya uli ni Coco para sa ‘Batang Quiapo’?

John Prats wish maidirek ang concert nina Justin Timberlake, Regine at Ogie; kunin kaya uli ni Coco para sa 'Batang Quiapo'?

Coco Martin at John Prats

“WALA pa namang offer,” ang sagot ni John Prats sa tanong namin kung magiging parte ba siya ng “FPJ’s Batang Quiapo” na magsisimula na bukas, Lunes Pebrero 13.

Natanong namin ito dahil isa si Pratty sa direktor ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya nga hindi na niya naipagpatuloy ang pagdidirek niya ng “It’s Showtime.”

Ang paliwanag ni John kaya hindi siya natuloy sa noontime show ng Kapamilya network ay dahil kinausap siya ni Coco na kung puwede ay ituloy na niya ang pagdidirek sa “Probinsyano.”

Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

“When I was doing ‘Probinsyano’ that time kasi may bubble like two months kami then I go to ‘Showtime’, then I go to ‘Probinsyano’, balik-balik.

“Then nu’ng paalis na ako (AP), Coco told me nab aka puwedeng (huwag na akong umalis). Kasi mahirap magdirek ng Probinsyano at mahirap maging Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano.’

“Nakikita ninyo na siya ‘yung lead star, siya ‘yung creative at siya rin ‘yung direktor as kirat na nga siya dahil sa stress niya.  And humingi siya ng tulong sa akin na kung puwedeng ako na magdirek ng unit niya.

“Ako, ang hirap. You can’t have both worlds. Kahit gusto mo at kaya mong gawin you have to choose and I have to give it to ‘Probinsyano’ because noong time na wala rin akong trabaho kasi ang ‘Banana Sunday’ (nawala) and I have to feed my family, Probinsyano was there for seven years, so, iba rin ‘yung puso ko sa ‘Probinsyano’ kahit mahirap ‘yung last one year (as director) ko sa ‘Probinsyano’ ibinigay ko talaga lahat.

“Sleepless nights, anything, pagod pero sabi ko mayroon akong mababaon kasi kaya ko palang magdirek ng isang teleserye, kaya kong magdirek ng pelikula eventually because of that ‘yes’ na sinabi ko kay Coco,” kuwento ni John.


Paano kung tawagan na siya ni direk Coco na magdirek ng ‘Batang Quiapo.’

Natawa ang aktor at direktor, “Actually hindi pa nga ako kinakausap kasi feeling ko alam niya na nae-enjoy ko ‘tong (pagdidirek ng concert). Although alam ko at nararamdaman ko rin kasi I’ve worked with him.

“I’m sure pressured siya with ‘Batang Quiapo’ and alam ko paano magtrabaho ‘yun, bawal ang maliit na eksena ro’n as in talagang lahat ng eksena ro’n pinag-iisipan niya.

“Ayaw niya nang nag-uusap lang kayo sa sala kailangan may mangyaring iba as in laging unpredictable kaya nu’ng nakita ko ‘yung trailer sabi ko, ‘Congrats paps. Parang na-imagine ko kung paano mo sinyut ‘yan.’ Sabi niya, ‘Salamat Paps pagod na pagod kami.’

Confirmed: Coco Martin, Lovi Poe magtatambal sa remake ng ‘Batang Quiapo’ nina FPJ at Maricel

“Sabi ko, ‘hindi mo kailangang sabihin kasi alam ko, trailer palang alam kong (naiiling) kakaiba ‘yun (Coco), kakaiba ‘yun talaga perfection. Kung paano rin ang approach ko sa concert, walang maliit na proyekto sa kanya,” aniya pa.

Tanong ulit namin, “So kapag inalok ka, it’s a yes?”

“Actually, nire-ready ko ang sarili ko kasi hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. But I have this feeling na anytime he’s gonna call me, so far wala pa naman,” sagot ni Pratty.

Ngayong 2023 ay maraming naka-line up na gagawin si John kaya masaya siya sa maraming blessings na unang buwan palang ng taon ay may trabaho na kaagad siya.

Palaisipan naman sa amin dahil walang alok o tawag pang natatanggap si John sa “FPJ’s Batang Quiapo” pero nakalagay na ang pangalan ni John bilang isa sa supporting cast, ‘yun nga lang hindi pa nakalagay kung ano ang karakter niya dahil blangko pa tulad nina Ronwaldo Martin, Dionne Monsanto at Javi Benitez.

Samantala, nagse-celebrate ng 30 years si John sa industriya at itong pagiging direktor niya ang sobrang na-enjoy niya kaya nga mas dito raw siya nagko-concentrate ngayon kaysa sa pag-arte sa harap ng camera lalo na sa usaping talent fee.

Pero nagpapasalamat pa rin ang aktor at direktor dahil sa pagiging artista niya ay nagkaroon siya ng chance para marating kung anuman ang estado niya ngayon sa showbiz.

Si Moira dela Torre ang nagbukas ng pinto sa kanya para malamang kaya rin pala niyang magdirek at nangyari ito sa music video nitong “Malaya” (2017) produced ng Brightbulb Productions na pag-aari niya kasama sina Sam Milby at Angelica Panganiban.

Hanggang sa tumawid na ito sa pagdidirek niya ng “Tagpuan” concert ni Moira sa KIA Theater noong 2018, sinundan ng “Braver” concert sa Araneta Coliseum, 2019 at naulit sa katatapos na show nitong Pebrero 3 sa Big Dome na may titulong “Moira, 2023 World Tour” na certified sold out concert.

Ang iba pang shows na idinirek ni Pratty ay ang “Rock and Soul Supremacy” nina KZ Tandingan at Bamboo sa Pampanga, ang “Her Time” ni Klarisse de Guzman sa New Frontier Theater, ang 15th anniversary concert ni Erik Santos sa MOA Arena.

Ngayon ay parte si John bilang hurado sa segment na “Girl on Fire” dance competition ng “Showtime.”

Ang isa sa wini-wish ni John na next concert venue ay ang Philippine Arena dahil doble ang laki nito sa Araneta Coliseum.

Wish din niyang naidirek ang foreign artist na si Justin Timberlake at sa local nanan ay ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid. Gusto rin niyang makapagdirek ng Christmas concert.

Sharon Cuneta miss na ang mga nakatrabaho sa ‘Ang Probinsyano’, bet makasama sa cast ng ‘Batang Quiapo’

Read more...