Ruffa super work na sa edad 13 kaya never umasa sa lalaki: ‘I can buy naman my own flowers and jewelry’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Ruffa Gutierrez at Imelda Marcos
NAGSALITA na si Ruffa Gutierrez tungkol sa pagpapatigil sa ilang programa ng ALLTV, kabilang na ang show nila nina Mariel Rodriguez at Ciara Sotto na “M.O.M.s” o “Mhies On A Mission.”
Kinumpirma ng aktres at TV host na pansamantala munang mawawala sa ere ang kanilang talk show pati na ang dalawa pang original program ng ALLTV, ang “Wowowin ni Willie Revillame at “Toni” ni Toni Gonzaga.
“They spoke to us and I believe it’s not a goodbye,” ang pahayag ni Ruffa nang makorner ng ilang members ng press after ng grand mediacon ng “Martyr Or Murderer” nitong Huwebes, February 9.
Aniya pa, “It’s a ‘see you later.’ So, para sa akin, kinausap kami, ang sabi magpo-pause daw muna sila for a couple of months for them to fix their signal.
“So I think it’s internal, and para sa akin, that’s normal. That’s expected. If you’re launching a new business, a brand, what more a station, di ba you’re gonna through some phase.
“Hindi naman right away, magiging successful kaagad yon. So, hindi naman po ako may-ari ng istasyon, at hindi ko masasagot iyan, I think we should wait for the official announcement of AMBS and ALLTV.
“Basta ang masasabi ko lang, na para sa akin, I’m network-friendly. Number one, I’m a freelancer. I do have a contract with M.O.Ms.
“And napaka-grateful ko din sa mga Villar. Kasi kahit nag-pause kami, we’re still being compensated. So, di ba, napakabait ng mga boss?
“So, para sa akin, napaka-grateful ko. Kasi, hindi naman namin kasalanan kung may problema sa signal.
“Ang importante sa akin, kay Mariel at kay Ciara, we do our best. And maganda yung show namin, at naniniwala ako, pag naayos yung signal, magiging successful din yun,” paliwanag ng aktres.
Ibinalita rin ni Ruffa na marami siyang proyektong gagawin ngayong 2023, “Meron akong uumpisahan na bagong project sa ibang network.
“And then, magugulat din kayo kasi meron din akong guesting sa isa pang network, and may offer din ako sa isa pang network.
“I’m a freelancer naman kasi. So, you know I mean, I just want to ano the people kasi na parang… bina-bash din ako, nasasali ako dun sa pagba-bash.
“Kung may hatred sila towards other people, parang yung 5 percent, nadadamay ako, si Ciara saka si Mariel. I’d like to only speak for myself,” lahad ng celebrity mom.
Sabi pa ni Ruffa, “I was at ABS-CBN when it was shut down. I was doing Love Thy Woman. So, nandoon ako at nakisimpatiya. Nakiiyak din ako noon.
“But you know, di naman tayo puwedeng… anong gagawin natin, magra-rally tayo sa gitna ng kalye, di ba? You have to continue to work.
“And I’d just like to let you know that I have a very good relationship with ABS-CBN. My brother Richard [
(Gutierrez) is doing Iron Heart.
“I’m in touch with Tita Cory (Vidanes, ng ABS-CBN) and I would like to thank them. Because during the pandemic, isa ako sa mga busy sa mga artista.
“And maraming salamat din sa Showtime, kasi they were supposed to guest me just for five days. Nagustuhan nila ako at one year and a half akong nandoon, without a contract.
“So, nu’ng natapos na yun dahil ginawa ko yung Maid in Malacañang, I was still trying to be on Showtime. Pero hindi na kaya ng katawan ko.
“So I would just like to say that I’m network-friendly. Hindi na siguro uso ang network war ngayon. That’s so decades ako.
“Siguro ang importante ngayon, magtulungan tayo. And ang importante, and I’m very grateful na may mga offers pa rin at may mga trabaho, at magiging busy ako. Hindi lang sa TV, hindi lang sa pelikula, pero sa pag-aaral ko rin,” dugtong ni Ruffa.
Samantala, sa presscon ng “MoM”, nasabi ng direktor na si Darryl Yap, feeling niya ay mas na-happy si Ruffa kung ang gumanap na Ninoy Aquino sa movie ay si Herbert Bautista sa halip na si Isko Moreno.
Isa sa highlights ng pelikula ay ang confrontation scene nina Ruffa at Isko bilang Imelda at Ninoy na ayon kay Direk Darryl ay tatlong oras kinunan. “Grabe!” ang tanging nasabi ni Ruffa sabay tawa.
Sundot na tanong sa kanya, mas masaya ba siya ngayong darating na Araw ng mga Puso? Ngumiti muna si Ruffa sabay sabing, “Masaya naman ako every day! Every day is like Valentine’s day, di ba?”
“Sa February 14, I’m attending a birthday party, 99th birthday ni former Senator Juan Ponce Enrile,” aniya pa.
Naitanong din kay Ruffa ang agaw-eksenang hikaw niya sa presscon na talagang nagmumura sa kinang. Reaksyon i Ruffa, “Talaga ba? Takaw-pansin ba? Sinuot ko lang. I think, kay mommy ito nanggaling, hindi galing sa lalaki.
“Alam mo, hindi ako umaasa, ever since talaga, hard working na ako since I was 13. So, hindi ko kailangang umasa sa lalaki para sa mga alahas.
“Kung bibigyan ako, e, di thank you. But I can buy my own flowers and jewelry,” depensa ng aktres.