Eula Valdes nag-trending dahil sa pagganap bilang Imee Marcos sa ‘Martyr or Murderer’, netizens disappointed?

Eula Valdes nag-trending dahil sa pagganap bilang Imee Marcos sa 'Martyr or Murderer', netizens disappointed?

MARAMI sa mga netizens ang tila dismayado ngayon sa beteranang aktres na si Eula Valdes.

Ito ay matapos ilabas sa VinCentiments Facebook page ang trailer ng pelikulang “Martyr o Murderer” kung saan ini-reveal na gumaganap siya bilang si Imee Marcos.

Agad namang umani ito ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol at mabilis na nag-trending si Eula sa Twitter.

Hindi makapaniwala ang mga netizens na parte ang aktres ng pelikula lalo na’t diumano’y nagbigay raw ito ng kanyang pagsuporta last year sa pagtakbo ng dating Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.

“I can’t believe that the actress I admired after her Urian-worthy performance in ‘Dagitab’ is the same person I’ll despise today after being part of a well-oiled propaganda machine that perpetuates historical revisionism. Miss Eula Valdes, what happened?” tweet ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “So… Eula Valdes, who openly supported Leni Robredo last year, is part of Martyr or Murderer as the present-day Imee Marcos. This is interesting…”

May mga nagsasabi pa na dapat raw ay huwag magalit na tinanggap nito ang role dahil ito ang trabaho niya bilang artista.

“I dont see any wrong in Eula Valdes being part of that basura movie. Work is work.Filipino needs to know how to separate proffession to personal. grow up Pinoy. wag nyu ko lecturan ng delicadeza chuchu,” paliwanag ng isang netizen.

Ngunit may ilan naman na nagsasabing hindi naman na raw nakakagulat na magbigay suporta siya sa pelikula patungkol sa mga Marcos lalo na’t sinuportahan nito si dating Pngulong Rodrigo Duterte noon.

Sa kabila naman ng kanyang pag-trending sa social media ay nananatili namang tahimik ang panig ng aktres.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Eula at ng kampo nito hinggil sa kinasasangkutang isyu.

Related Chika:
Eula Valdes agaw-eksena sa presscon ng ‘Martyr or Murderer; Darryl Yap nakakaloka ang sagot tungkol kay Joel Lamangan

Eula naranasan ang matinding init habang nakamotor; mas bumilib sa mga delivery rider

Eula sa paulit-ulit na role bilang inang nawawala ang anak: Walang maliit na role, nasa ‘yo na kung paano mo gagawing special

Eula Valdes, Rocky Salumbides naghiwalay na makalipas ang 13 taong relasyon

Read more...