Jessy Mendiola naimbyerna sa chikang may cleft palate ang anak: It is never okay to spread fake news

Jessy Mendiola naimbyerna sa chikang may cleft palate ang anak: It is never okay to spread fake news

NANAWAGAN ang actress and vlogger na si Jessy Mendiola sa madlang pipol patungkol sa balitang kumakalat na may cleft palate ang anak niyang si Baby Peanut o si Isabella Rose.

May mga YouTube videos kasi na kumakalat ngayon na nagsasabing bingot o may cleft lip ang kanyang bagong silang na anak.

Nitong Miyerkules, sa pamamagitan ng kanyang sunud-sunod na Instagram stories ay ipinakita niya ang mga screenshots at links ng naturang YouTube videos na nagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko.

Humingi na nga rin ng tulong si Jessy sa madlang pipol na i-report ang mga videos na wala namang katotohanan.

“Please help us take down this video/account by clicking the link and [reporting] as child abuse or harassment.

“It is never OK to spread fake news. It is never OK to spread negativity about having cleft palate/lip. Respetuhin sana natin ‘yung totoong may ganito,” saad ni Jessy.

Matatandaang nitong December 28 nang isilang niya ang kanilang panganay na anak ni Luis Manzano.

Ngunit hindi agad ibinahagi nina Jessy ang kabuuang mukha ng kanilang anak kaya marami sa mga netizens ang tila naimbyerna dahil marami raw masyadong paandar ang mag-asawa.

Ngunit sabi ng aktres ay nais lang naman muna nilang namnamin ang mga unang linggo ng anak at makalipas nga ang isang buwan ay tuluyan na nga nilang ibinandera ang napakaganda nilang anak.

“Hello world, meet Isabella Rose Tawile Manzano. Happy 1 month, our little Rosie,” caption ni Jessy sa kanyang IG post.

Samantala, taong 2021 naman nang maganap ang kanilang intimate wedding ni Luis sa Batangas City.

Related Chika:
Jessy Mendiola, Luis Manzano magkaka-baby girl na

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Jessy Mendiola sa mga ‘atat’ sa face reveal ni Baby Peanut: Let us enjoy our own little world with our baby muna

Luis rumesbak nang ikumpara sila ni Jessy kina Drew at Iya sa pagiging magulang: ‘Kung maka-comment ka naman akala mo ikaw magpapadede sa bata’

Read more...