Pinoy rapper Young Cocoa naglabas ng ‘tribute song’ para sa bansang Jakarta

Pinoy rapper Young Cocoa naglabas ng ‘tribute song’ para sa bansang Jakarta

PHOTO: Courtesy Sony Music Entertainment

NAGLABAS ng bagong single ang Pinoy rapper at song producer na si Young Cocoa.

Ito ay may titulong “J-TOWN (PM)” na isang tribute song para sa bansang Jakarta.

Ayon sa rapper, nais niyang ialay ang bagong kanta sa nasabing bansa bilang doon daw siya lumaki.

Sey niya, “The song is about how I feel about Jakarta.”

“It’s not so much a nostalgic visit as it is one where I express how much impact the city has had on me,” aniya.

Kwento pa ni Young Cocoa, hinaluan niya ng wikang Bahasa Indonesia ang kanta maliban sa Ingles.

“The way I did it was inspired by other Southeast Asian artists who would mix English and their native languages into their lyrics,” saad niya sa pahayag na inilabas ng Sony Music Entertainment.

Dagdag pa niya, “I chose to incorporate Bahasa because I felt it was necessary to tell my story as authentically as possible, as this is a more serious take on how I normally structure the lyrics and storytelling of my music.”

Inamin din ni Young Cocoa na ang bagong single ay pinaka kakaiba sa lahat ng mga nagawa niyang kanta.

Chika niya, “JTOWN is the most different song I’ve ever made.”

“I consider it a benchmark in my discography in terms of my sound selection, tempo, mood, and overall evolution of taste,” dagdag niya.

Ang “J-TOWN” ay tampok din sa unang ilalabas na mixtape ng rapper na pinamagatang “Sari Sari.”

Related chika:

Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Read more...