DALAWANG Pilipino ang kumpirmadong patay matapos tamaan ng 7.8 magnitude na lindol ang bansang Turkey.
Ang malungkot na balita ay inanunsyo mismo ng Philippine Embassy in Ankara nitong February 10.
Sa isang pahayag, lubos ang pakikiramay ng embahada sa mga pamilyang naulila at sinabi nila na kasalukuyan na silang nakikipag-ugnayan sa mga ito.
“It is with deepest regret that the Embassy must inform the public of the passing of two Filipinos, both earlier reported to be missing in Antakya,” saad sa inilabas na statement.
Dagdag pa, “The Embassy and Consulate General express their deepest condolences and are in coordination with the victims’ families in both the Philippines and in Turkiye.”
Ang mga nasawing Pilipino ay unang nakabilang sa listahan ng mga nawawala o “reported missing.”
Ang tanging good news lamang ay natagpuang buhay ang ikatlong Pinoy na nawawala, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon pa sa report ng DFA, hindi bababa sa 34 na mga Pilipino ang kasalukuyang inililikas papuntang Ankara, ang capital city ng Turkey.
“Another Embassy team will continue the mission from Mersin to check on the other Filipinos, who need assistance or may wish to be evacuated to safer areas,” saad ng DFA spokesperson na si Teresita Daza.
As of this writing, umakyat na sa 20,000 ang mga namatay dahil sa matinding paglindol na nangyari nitong February 6.
Read more:
Abra niyanig ng magnitude 7 na lindol; naramdaman din sa NCR, iba pang bahagi ng Luzon