Pinagmulan ng sikat na sapatos ni Michael Jordan tutuklasin sa upcoming film na ‘AIR’

Pinagmulan ng sikat na sapatos ni Michael Jordan tutuklasin sa upcoming film na ‘AIR’

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

PARA sa tinatawag na “sneakerheads” o mga mahilig sa mga sapatos, magkakaroon ng isang kakaibang palabas tungkol sa isang sikat na sapatos.

Ito ay may titulong “AIR” na nakatakdang ipalabas sa April 19 sa mga lokal na sinehan.

Mula ‘yan sa direksyon ng American actor at filmmaker na si Ben Affleck.

Ayon sa inilabas na pasilip, iikot ang kwento ng “AIR” sa pinagmulan ng kauna-unahang Air Jordan shoes ng kumpanyang Nike.

Base ito sa totoong storya ng mga nagdisenyo ng nasabing sapatos.

Para sa kaalaman ng marami, ang sikat na athletic shoes ay ginawa para sa dating basketball star na si Michael Jordan at ito ang kauna-unahan niyang partnership sa American shoes company.

Ang pelikula ay pagbibidahan ng American actor na si Matt Damon.

Tampok din ang ilan pang Hollywood actors na sina Jason Bateman, Chris Messina, Marlon Wayans, Chris Tucker at Viola Davis.

Libo-libo na ang napa-comment sa unang trailer na ni-release ng Warner Bros. Pictures at narito ang ilan sa mga nabasa namin.

“I bet this is gonna be a good one, though I’m waiting who’s gonna portray MJ while watching the trailer [laughing emoji]”

“Well if Ben’s going to wear those glasses I’m in…”

“Matt & Ben.. man I remember Good Will Hunting.. what a movie it was.. and I’m excited to see them both again [red heart emoji]”

“It looks like it is something worth watching.”

Related chika:

‘Kingdom: Ashin of the North’ lalabas na sa Netflix

Read more...