Janella nagpaliwanag sa viral ‘higupan scene’ nila ni Joshua sa ‘Darna’: Basta ang lala niya!

Janella nagpaliwanag sa viral 'higupan scene' nila ni Joshua sa 'Darna': Basta ang lala niya!

Janella Salvador at Joshua Garcia

NAGPALIWANAG ang Kapamilya actress na si Janella Salvador tungkol sa viral kissing scene nila ni Joshua Garcia sa Kapamilya action-fantasy series na “Darna.”

Ngayong gabi na mapapanood ang finale episode ng “Mars Ravelo’s Darna” kaya siguradong abangers na ang madlang pipol kung nga ba ang magiging ending ng kuwento ng serye na pinagbibidahan nina Janella at Jane de Leon.

Paano mapapatumba ni Darna si Valentina at ang iba pa niyang kalaban upang magkaroon na ng katahimikan at kapayapaan sa mundo? Yan ang dapat abangan ng manonood ngayong gabi sa “Darna.”

Samantala, sa naganap na finale presscon ng “Darna” kamakailan, natanong si Janella na gumaganap na Regina Vanguardia at Valentina sa serye tungkol sa trending kissing scene nila ni Joshua.

Sey ng aktres, hindi sila nagkailangan ng aktor habang naghahalikan sa harap ng mga camera dahil komportable na raw sila sa isa’t isa.

Bukod sa nagkatrabaho na sila noon ay napag-usapan na raw nila ang naturang kissing scene bago pa kunan ang eksena.

Super laugh naman ang celebrity mom nang tanungin kung nagpraktis pa ba sila ni Joshua bago sila sumalang sa taping.

“Actually when we did it, hindi naman awkward kasi beforehand, pinag-usapan namin na, ‘Oh, we’re gonna have a kissing scene.’ Actually not just one kissing scene, basta malala pa siya, so first time ko ‘yon gawin on-screen,” chika ni Janella.

“But since comfortable naman ako kay Josh especially no’ng time na ‘yon, it wasn’t awkward naman. Naka-5 days kami,” dagdag pa niya.

Hindi nakarating si Joshua sa nasabing presscon kaya hindi nakuha ng press ang kanyang  experience sa viral “higupan” scene nila ni Janella.

Samantala, bago nga tuluyang magpaalam sa ere ang “Darna” ay naging hot topic din sa social media ang pagpapabago ng hair style ni Janella.

Ibig sabihin, handa na siyang mag-move on mula sa pagganap na Valentina sa “Darna.”

Sa kanyang social media post last February 6, ibinandera ni Janella ang kanyang new look courtesy of celebrity hairstylist Jing Monis. Aniya sa caption, “Entering her ginger era or somethin.”

Isa ang co-star niya sa “Darna” na si Jane de Leon sa mga unang nagkomento sa kanyang new look na nagsabing, “That’s mah girl!”

Ilan pa sa mga bumati at nagandahan sa kanyang buhok ay sina Alexa Ilacad, Darren Espanto, Melai Cantiveros, Mutya Orquija, Marlo Mortel, Kiara Takahashi at marami pang iba.

Jane de Leon nakatikim ng ‘banayad’ na halik kay Joshua Garcia

Catriona Gray nagpaliwanag kung bakit biglang nawala sa socmed: ‘I’ve been really ill…’

Pauleen nagpaliwanag kung bakit walang face mask si Tali sa kanilang ‘field day’ photo

Read more...