Dina tinutukan na ng baril sa airport, pinagpapalo pa ng payong sa mall dahil sa pagiging kontrabida sa ‘May Bukas Pa’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Dina Bonnevie
GRABE! As in grabe pala ang natanggap ng veteran actress na si Dina Bonnevie na mga pagbabanta sa kanyang buhay nang dahil sa pagiging kontrabida sa teleserye.
Knows n’yo ba na bukod sa pinaghahampas siya ng payong ng isang matandang babae sa mall ay tinutukan din siya ng baril sa isang airport? Kakalurky jiva!?
Naichika ito ni Ms. D sa YouTube vlog ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz kung saan idinetalye nga niya ang nakakatensiyon at nakakatakot na resulta ng pagganap niyang kontrabida sa ABS-CBN series na “May Bukas Pa.”
Ginampanan ni Dina sa serye ang karakter na Malena Rodriguez-Rodrigo na umere noong 2009. Siya ang nang-aapi sa bidang si Zaijian Jaranilla bilang si Santino.
“I went to Davao, one time. Basta meron kaming something, it was about…basta sa telecoms ito.
“Landing ako sa Davao, biglang sabi nu’ng parang may guard du’n sa airport, ‘Ikaw ba si Malena?’ Sabi ko, ‘Huh? Malena? A, oo yung role ko po, opo ako po yun.’
“’Langya ka!’ Tinutukan ako ng baril, ‘Pati bata pinapatulan mo.’ Sabi ko, ‘Chief, chief, sandali, role lang po yun.’
“Armalite yun, ha. Sabi ko, ‘Lintek naman dahil lang sa role mamamatay pa ako!’” pagbabalik-tanaw ni Dina.
Patuloy pa niya, “Hindi pa tapos yung nerbiyos ko. Sabi ko, ‘My God, dito pa mababalitang,’ ‘Kasalukuyang may namatay na isang artista diumano na nabaril sa airport dahil sa kanyang role.’ Baka yun ang nasa radyo.”
Kasunod nito, may matanda namang babae na pinaghahataw siya ng payong, “Hindi pa tapos ang nerbiyos ko dun. Pagdating ko sa mall, kasi I was buying something for my hair na ilalagay na accent.
“Yung isang matanda nakita ako. Sabi niya, ‘Di ba ikaw yung nasa TV?’
“Sabi ko, ‘Opo.’ Akala ko naman magiging sweet siya sa akin. Pinagpapalo ako ng payong. Sabi ko, ‘Sandali lang po, sandali lang po! Bakit po?’
“Tapos kinawit niya ako ng payong, kinawit niya ako dito sa arm, ‘Halika dito! Walanghiya ka! Kawawa si Santino sa yo.’ Sabi ko, ‘Naku, Lola, role lang po yun.’
“Hanggang sa dumating yung security guard. Sabi ko, ‘My god, ayoko na mag-evil role.’ You can get killed, ha!'” paglalahad pa ng veteran actress.
Ibig sabihin lang nito, talagang super effective ang paggaanap niya bilang kontrabida, “Well, ang nakakatuwa nga dun, if people start to hate you ibig sabihin, you’re an effective kontrabida.”