Faith Da Silva umaming ikinahiya ang pagkakulong ng amang dating matinee idol: ‘Pero napatawad ko na siya’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Dennis Da Silva at Faith Da Silva
IKINAHIYA ng Kapuso actress at TV host na si Faith Da Silva ang pagkakakulong ng tatay niyang aktor na si Dennis Da Silva.
Nagpakatotoo ang dalaga nang tanungin kung ano ang naramdaman niya noong malamang nasa kulungan ang ama dahil sa kasong panggahasa at 20 taon na siyang nasa piitan.
Pero aniya, napatawad na niya ang kanyang tatay na sumikat noon sa showbiz bilang matinee idol at sana raw ay mabigyan sila ng pagkakataon na magkita nang personal.
“Actually medyo matagal-tagal nang napatawad ko siya. I’ve made peace with fact na ‘yung buhay na meron ako ay hindi normal. He has his own family now,” ang pahayag ni Faith sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes.
Ayon sa Kapuso star, talagang ikinahiya niya noon na nasa kulungan ang kanang tatay.
“Yeah, before, when I was younger. Magiging honest ako kasi, ito ang chance ko rin para malaman ng papa ko how I truly feel.
“Kasi hindi pa kami nagkikita in person, and it’s been more than 20 years of my life, and I’ve grown into a person that I am today, and I’m very grateful for him, and for my mama that I’m here,” pahayag pa ni Faith na napapanood sa Kapuso drama series na “Unica Hija.”
Dugtong pa niyang sabi, “Ikinahiya ko lang naman noon dahil hindi ko naiintindihan kung ano ang mga nangyayari, siyempre bata ako eh.
“Sino ba naman ang gugustuhin na magkuwento ka sa classmates mo na, ‘yung dad ko is in jail.’ Who would want to say that? No one,” sabi ng dalaga.
Sa katunayan, nais din ng kanyang ina na makita nila ng kanyang kapatid si Dennis na dati ring miyembro ng Kapuso youth-oriented variety at talent show na “That’s Entertainment”.
“Truth is my mama has always been supportive na makita namin ng kapatid ko si Papa.
“But I guess when I was younger, siyempre I was immature, I didn’t get kung bakit they had to separate ways, I thought na iniwan niya lang kami kasi magulo na masyado, hindi na kinaya. But palagi ko talaga siyang hinahanap before,” ani Faith.
Nabanggit din ng aktres na never siniraan ng kanyang ina si Dennis kahit na nakakulong ito. At palagi raw ipinaaalala ng nanay niya sa kanya ang mensahe ni Dennis.
“That he really loves me, and sabi ng dad ko that I’m the most beautiful girl in the world.
“Every time na ‘yung confidence ko bumababa, inaalala ko lang ‘yun kasi sa mata ng papa ko ako ang pinakamaganda,” pahayag ni Faith.
Inamin din niya na may mga pagkakataon na naghahanap din siya ng father figure, “Palagi ako naghahanap ng pagmamahal sa labas ng pamilya ko, ng isang lalaki. Hindi ko kinailangang gawin ‘yun eh. It was just that, wala akong tatay na kinalakihan.”
Ito naman ang message ni Faith kay Dennis, “Hi papa, if you’re watching this, I just wanna say na everything that happened in the past, wala na ‘yon sa utak ko.
“You know you can always start over and gusto kong ma-experience ang pagmamahal ng tatay. At alam ko sa ‘yo ko lang ‘yun makukuha.
“Pero hindi ko mamadaliin ang lahat. Maghihintay ako because I believe in the divine timing of everything.
“Kapag ready ka na, kapag naging fully ready na rin ako at ‘yung pagkakataon ibigay sa atin ng Diyos, alam ko na ‘yun ang magiging life-changing moment sa buhay ko,” pagbabahagi ni Faith.