Ronnie ilang beses nahuli ni Loisa na nambababae, pero nagbago na raw: ‘Sigurado na ako ngayon sa kanya, 100%!’
MATAPANG na inamin ng Kapamilya actor na si Ronnie Alonte na ilang beses na siyang nahuli ni Loisa Andalio na nambababae.
Yes, yes, yes mga ka-Marites! Dirersahang inako ni Ronnie ang ginawang pagtataksil noon sa kanyang girlfriend – na hindi lang minsan nangyari kundi maraming beses.
Ayon sa celebrity couple, sa anim na taon na nilang relasyon ay marami rin silang pinagdaanang pagsubok na nagturo rin sa kanila ng mahahalagang life lessons.
Sa guesting ng tambalang LoiNie sa “Magandang Buhay” kahapon, February 7, napag-usapan nga ang tungkol sa pagiging unfaithful, cheating at ang pagkaka-link noon ni Ronnie sa ilang female celebrities.
“Alam niya (pagloloko). Nahuli niya ako. So naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganu’ng pakiramdam,” pag-amin ni Ronnie.
Tungkol naman sa mga female stars na natsismis na naging karelasyon niya habang hindi pa nila inaamin ni Loisa sa publiko ang kanilang relasyon, may paliwanag nga tungkol diyan si Ronnie.
View this post on Instagram
“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin sa mga naging ka-partner ko,” lahad ng binata.
“Yun lang po ang nililinaw ko na ngayon ko lang sinabi, na ako ‘yung may mali doon.
“Sa mga fans, huwag niyo sisihin, iba-bash ‘yung mga babae na na-link sa akin dati kasi hindi nila alam. Kasalanan ko ‘yun,” sabi pa ng aktor.
Hiningan din ng reaksyon si Ronnie kung anong feeling noong pansamantala silang nag-break ni Loisa.
“Nu’ng (naghiwalay kami), sobrang sakit pala nu’ng feeling na ganu’n. Parang mga halos isang linggo, dalawang linggo, nawala ako talaga.
“Lumabas ako with tropa and friends para maalis sa utak ko ‘yung nangyari. Pero na-realize ko din sa dulo na baka karma lang din ito kasi.
“Pero na-realize ko lang sa dulo na baka karma lang din ‘to. Tinake ko ‘yun as karma kasi ang dami kong kasalanan sa kanya before pa mangyari ‘yun,” aniya pa.
Pagpapatuloy ng aktor, “Ang dami niyang nahuli sa akin. Ilang babae ang nahuli mo? Alam niya. Nahuli niya ako. So naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganung pakiramdam.”
Sa huli, sinabi ng aktor na “hundred percent sure” na siya kay Loisa. “Hindi man kami pa ikasal, alam kong dadating at dadating din doon. Kasi sigurado na ako eh. Sigurado na ako sa kanya,” dagdag niya.
Mensahe naman niya kay Loisa, “Magse-seven years na tayo. Alam kong marami pang taon na dadating sa atin na hindi lang happy happy.
“Alam ko na marami pa tayong pagsubok na pagdadaanan na mas malala pa sa pagsubok na pinagdaanan natin noon.
“Ang lagi ko lang maipapangako sayo, kung ano man ang pagsubok na dumating na yun, nandito lang ako sa tabi mo parati. I love you,” pahayag ni Ronnie.
Loisa, Ronnie ready na nga bang dalhin sa ‘next level’ ang relasyon?
Ronnie: Wala na kaming paki ni Loisa sa sinasabi ng ibang tao sa amin, basta masaya kaming dalawa
Payo nina Ronnie at Loisa sa mga gustong mag-artista: Go lang nang go, sundin ang nasa puso n’yo!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.