Sisteraka ni Maja pasok sa 40 opisyal na kandidata ng Bb. Pilipinas 2023, pero binasag ng vlogger

Sisteraka ni Maja pasok sa 40 opisyal na kandidata ng Bb. Pilipinas 2023, pero binasag ng vlogger

Jessie Salvador

MABUTI na lang at ginawa uling 40 ang official candidates ng Binibining Pilipinas batch 2023 na inanunsyo kagabi sa New Frontier Theater dahil napasama na si Jessilen Salvador bilang ika-38 kandidata.

Si Jessilen o Jessie ay kapatid ng aktres na si Maja Salvador at talent   na rin ng Viva Artists Agency.

Ayon sa report ng ABS-CBN, naunang ianunsyo ang 35 kandidata bago mag-alas-otso ng gabi pero biglang nagkaroon ng pag-uusap ang mga hurado at nagdagdag ng limang kandidata para ibalik sa 40.

Ayo kina Binibining Pilipinas Globe Maureen Montagne at reigning Miss Cosmo International Meiji Cruz ay may usapan ang board na gawing 35 pero base naman sa  BPCI ay nadesisyunan ang nakararami na gawin nang 40 ang finalist.

Paglalabanan ng 40 kandidata ang tatlong korona — ang Miss International Philippines, Miss Intercontinental Philippines at Miss Globe Philippines.

Samantala, nang ianunsyo ang official 35 candidates para sa 59th edition ng national pageant ay nag-vlog nang live sa kanyang YouTube channel si Gaysle Ortega Cruella in Pageantry na kababayan ni Jessie sa Aklan at sinagot ang tanong ng viewers na hindi nga nakapasok ang dalaga.


Tinanong si Gaysle Ortega kung naligwak ang kapatid ni Maja na si Jessie, “Yes po naligwak ang kapatid ni Maja Salvador from Aklan mabuti nga, ha, ha charot.  I told you guys, maliligwak siya!”

Dagdag pa, “Hindi pumasok ang kapatid ni Maja Salvador, wish list ko naman talaga ‘yun na hindi siya makapasok kasi nga, I know her.  I know her better, so, mabuti na lang charot lang ha, ha, ha.”

Na-curious ang viewers ni Gaysle kung ano sa tingin niya bakit hindi nakapasok si Jessie.

“Siyempre hindi siya maganda!” diretsong sabi ng vlogger.

At saka nagkuwento kung bakit hindi umano niya gusto ang younger sister ni Maja na nagso-showbiz na rin.

“From Aklan kasi ‘yan si (sabay hanap) wait lang ha nakalimutan ko.  Si Jessie Salvador from Aklan kasi ‘yan.  Siyempre alam n’yo naman na taga-Aklan ako!

“At alam n’yo naman ang mga karakas na naririnig kong alingawngaw at mga tsismis at mga Marites na hindi talaga maganda ang kanyang pag-uugali,” rebelasyon ng vlogger.

Totoo rin kaya ang sinabi nitong tsinitsismis daw noon ni Jessie si Maja?

Anyway, si Maja raw mismo ang nag-push sa kapatid niya na sumali sa Binibining Pilipinas.

Base sa panayam ni Jessie sa pageant vlogger na si Adam Genato, “Actually, siya din yung isa sa nag-push sa akin na mag-join ng pageant kasi nga siguro sa height, and, ‘di ba, yung ganda. ‘Wag kang paghinaan ng loob kasi lahat naman nadadaan sa training. Napag-aaralan ang lahat ng bagay, and maniwala ka lang sa sarili mo na kaya mo.’

“So ayun, tuloy-tuloy lang and go with the flow. Sobrang support sa akin ni Maja. I am grateful to all those who believed in me,” aniya pa.

Bukas ang BANDERA sa panig ni Jessie o ng ate Maja niya tungkol sa pahayag ng pageant vlogger na si Gaysle Ortega Cruella in Pageantry.

Jessie Salvador hiyang-hiya kapag ipinakikilalang sisteraka ni Maja: Payo niya sa akin, ‘ibigay mo yung 1000% mo!’

Robin may ni-request na posisyon sa senado; pinayuhan nina Zubiri at Drilon na ‘mag-aral’ mabuti

Ethel Booba nabuking ang planong marriage proposal ng dyowa: Hindi ako sasagot ng yes, natatakot ako!

Read more...