Judy Ann Santos, Sam Milby mananakot sa ‘The Diary of Mrs. Winters’, kasado na ang shooting sa Canada
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rahyan Carlos, Judy Ann Santos at Sam Milby
NGAYON pa lang ay abangers na ang mga fans nina Judy Ann Santos at Sam Milby sa kanilang reunion project, ang horror-drama thriller film na “The Diary of Mrs. Winters.”
Yes, yes, yes mga ka-Marites, magbabalik na nga sa big screen ang Queen of Philippine Soap Opera kasama ang aktor at Acoustic Heartthrob na si Sam sa isang bonggang project.
Isang dekada na ang nakalipas nang huling magkatrabaho sina Judy Ann at Sam sa teleseryesng “Huwag Ka Lang Mawawala,” at ang bagong nilang pelikula ang tinuturing nilang comeback ng dalawa sa big screen. Ito rin ang unang horror film ni Sam.
Isa ring comeback para sa box-office director ng mga horror films, Rahyan Carlos, kilalang director, scriptwriter, at tanging accredited teacher ng Chubbuck Technique dito sa Pilipinas.
Ang “The Diary of Mrs Winters” ay sinulat ng National Artist for Film at Broadcast na si Ricky Lee kasama si Direk Rahyan Carlos.
Ito rin ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Direk Rahyan si Judy Ann at pangako ng batikang direktor na isang kakaibang dramatic cinema experience ang movie na siguradong magugustuhan ng lahat.
Produced ng AMP Studios Canada at Happy Karga Films, “The Diary of Mrs Winters” ay kukunan sa Canada at sa Pilipinas.
“When I first started HappyKarga Films with my business partner, Joy Tarce, we knew that we would bank on talents and collaboration both from other film outfits and from the artists.
“And we couldn’t be more grateful to have found a likeminded individual such as Rechelle Everden of AMP Studios Canada who also believes in the cutting-edge Filipino talent in terms of bringing stories into the big screen,” sabi ni Direk Rahyan.
Ang “The Diary of Mrs. Winters” ay tungkol sa isang Pinay bio-forensic assistant cleaner sa Canada na si Charity at gagampanan ni Judy Ann, na isinumpa matapos itago ang diary ng isang matandang babae na nag-commit ng suicide.
Maraming kamalasan ang nangyari sa kanya kabilang ang pagkamatay ng mga mahal sa buhay at ipaglalaban ang kanyang true love, na si Victor na gagamapanan ni Sam.
“To say that this is a dream project is an understatement. Not only because of the fact that I will be reuniting with Ricky Lee as this is our second collaboration, but also because we will be joined by Judy Ann and Sam.
“We are looking forward to work with both of them as we know that they are artists of world-class caliber.
“This is also the first full-length Filipino film to be shot amidst the panoramic Ontario, Canada,” dagdag pa ni Direk Rahyan.
Ang “The Diary of Mrs Winters ay ipapalabas sa 3rd quarter ng 2023 dito sa Pilipinas at sa iba’t iba pang bansa.