Donnalyn pinutakte ng netizens tungkol sa ‘buntis issue’ post: ‘Sinasadya niya ‘yan para mag-trending ulit siya’

Donnalyn pinutakte ng netizens tungkol sa ‘buntis issue’ post: ‘Sinasadya niya ‘yan para mag-trending ulit siya’

PHOTO: Instagram/@donnalynbartolome

TILA naging mabenta nanaman sa bashers ang social media star na si Donnalyn Bartolome.

Makalipas kasi ang kontrobersyal niyang “sad post” ay trending nanaman si Donnalyn sa panibago niyang post na tungkol naman sa pagbubuntis.

Burado na as of this writing ang nasabing post, pero nakalahad doon ang caption na, “Maganda talaga pag binuntis. Kidding aside, maganda pa din kayo mommies.”

Agaw-pansin din ang naging sagot ni Donnalyn sa isang nag-comment sa kanyang post na tila insecure daw sa kagandahan niya.

Komento ng isang fan, “Grabe sobrang ganda niyo po. Nakaka-insecure po talaga, lalo pag tumitingin na ako sa salamin after birth [sad face emoji].”

Sagot naman ni Donnalyn, “Mommy isipin mo nalang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.”

Ani pa ng aktres, “Parang talo moko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan haaa. I’m sure maganda ka. Smile ka na yiiie.”

Dahil diyan ay samu’t-saring negatibong komento ang natatanggap ni Donnalyn.

Marami sa kanila ang nagsasabing hindi maganda ang pambibiro niya at tila sinasadya na raw ito ng socmed star upang maging trending.

Sey ng isang netizen, “At this point she’s just making obviously controversial statements for clout and engagemen.,” 

Comment ng isa pa, “Sinasadya niya mag-comment ng mga ganyan para nga naman trending siya at kumita na naman.”

Sabi naman ng isa pang Facebook user, “Nyetang mga banat yan [laughing emoji] I personally don’t like her, but I gotta give her props, she knows how to make money…she knows anything she says will be seen under the microscope, so why not take advantage of it. After all, regardless of the outcome, it’s a win-win for her.”

Kung maaalala nitong Enero ay nag-viral ang Facebook post ng social media star na tungkol sa mga taong nalulungkot dahil balik-trabaho na uli matapos ang selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Dinepensahan ‘yan ni Donnalyn at sinabing hindi lang pala dapat puro achievements ang pino-post niya sa socmed kundi pati na rin ang hirap na nararanasan niya.

Ngunit hindi pa rin nagustuhan ng netizens ang diumano’y pagiging “toxic positive” nito at tila disconnected sa reyalidad.

Related chika:

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Read more...