HOROSOCOPE October 08, 2013 | Bandera

HOROSOCOPE October 08, 2013

Madam Sophia - October 08, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Maraming suwerteng bagay ang matatanggap kung lagi lalabas ng bahay. Sa pinansyal, sa pamomolitika magkakamal ng limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig, sa isang “kayumangging kaligatan”, matatagpuan ang true love. Mapalad ang 1, 4, 9, 29, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Apo-Roque-Apo-Roque.” Red at orange ang buenas.     
Aries – (Marso 21-April 19)—Mabilis na aangat ang kabuhayan kung hindi papairalin ang init ng ulo. Sa pag-ibig, malapait na ang Pasko, wag sisihin ang kasuyo sa mga mali nyang ginagawa, sapagkat nagkakamali ka rin naman – matutong magpatawag! Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dasa-Sol-Maya-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Gawing libangan ang pagpapalakas ng kalusugan! Malaking halaga ng salapi ang matitipid kung bihira lang magkakasakit. Yayain ang kasuyo sa mga gawaing nakapag-e-exercise na nakapagme-meditate pa, the best ang yoga! Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kavah-Tara-Homa-Om.” Lilac at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Panatiliin ang pagsusuot ng silver na alahas. Mentras antique o luma, mas maramin suwerte ang matatanggap. Sa pag-ibig at pinansyal, ang white gold ang hihigop ng pag-unlad at masarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Riga-Padme-Om.” Bukod sa silver ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   ‘Wag kang babagal-bagal. Bilis ang susi upang umunlad! Kapag mabilis kang lagi, makikita mo mabilis din mapapasa iyo ang magagandang kapalaran, kaya nga sa pag-ibig ay ganon din wag babagal-bagal, baka maunahan ka pa ng iba. Mapalad ang 5, 19, 23, 32, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Beige at gray ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) —  Simple lang ang pormula upang umasenso – magsikap! Hindi yong puro hingi ka lang at asa ng asa sa iba. Sa pagsisikap, kusang aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig pagsikapan pang lalo na mapasarap ang romansa. Mapalad ang 7, 14, 23, 31, 40 at 47.  Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—  Total commitment ang dapat sa lahat ng iyong ginagawa upang umunlad at yumaman ka. Hindi bagay sa iyo ang gawaing pa-easy-easy lang. Sa pag-ibig ipadama at ibigay sa kasuyo ang 100% na pagmamahal. Mapalad ang 5, 14, 27, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  ‘Wag isiping tumatanda ka na, marami ka pang magagawa! Simulan na ngayon ang operation pagpapayaman. Sa pag-ibig, alalahanin kahit may edad ka na magagawa mo paring paligayahin ang iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Paghandaan ang pagbabalik ng minamahal! Kahit mahirap ang buhay, bigyan mo ng isang romantic na selebrasyon ang kanyang pagbabalik. Kahit na medyo kuripot ka, ilibre mo ang iyong kasuyo, sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi masamang umasa kay Lord, kung si Lord lang talaga ang maaasahan. Sa pinansyal, masosolusyunan ang problema, kung magdarasal muna bago matulog.  Sa pag-ibig, sabay kayong manalangin ng kasuyong Pisces, para mas effective ang dasal. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Roti-Rama-Tenet.” Purple at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Okey lang na mabagal. Hindi kasi dapat madaliin ang pagyaman. Tularan ang bubuyog sa painot-inot na pag-iipon maraming honey bee ang naiimbak. Sa pag-ibig, mas masarap ang dahan-dahan, kaysa sa agresibong romansa. Mapalad ang 2, 7, 16, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong manrta: “Om-Gayatri-Om.” Green at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— ‘Wag namang masyadong mabait sa iba, at pagkatapos ay masungit ka naman sa sarili mong pamilya. Hindi na uso ang plastic ngayon. Magpakatotoo ka upang habang buhay na umunlad at lumigaya. Mapalad ang 4, 15, 22, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: Aum-Kubera-Om-Mayabeeja.” Gold at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Sa pagiging idealistic, nasasayang ang pagkakataong magkapera. Tanggalin sa isip ang sobrang pangarap – aksyon agad ang dapat.  Sa pag-ibig, ayos lang ang maging sobrang romantic sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 9, 24, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Vadya-Om.” Green at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending