Heart ‘super happy’ na kasama si Chiz sa Paris Fashion Week: Nakatulong siya na maging masaya ako with my work

Heart ‘super happy’ na kasama si Chiz sa Paris Fashion Week: Nakatulong siya na maging masaya ako with my work

PHOTO: Instagram/@escuderochiz

MATAPOS ang breakup rumors, nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang fashion icon at influencer na si Heart Evangelista tungkol sa kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero.

At masayang sinabi ni Heart sa isang exclusive interview with entertainment reporter Nelson Canlas na “very supportive” ang kanyang mister.

Kamakailan lang ay magkasamang nagtungo sa Paris ang mag-asawa upang daluhan ang Fashion Week na kabilang sa trabaho ni Heart.

Sey ni Heart, “Mas lalo siguro siyang nakakatulong na maging masaya ako with my work, with my life—because I’m supported.”

Naitanong din ni Nelson kay Heart kung ano ang naging reaksyon niya matapos tuksuhin ng ilang kapwa-senador ang kanyang mister.

Matatandaan noong February 1 ay inulan ng panunukso si Sen. Chiz sa pasisimula ng Senate Plenary Session.

Nagkabiruan ang mga mambabatas sa ginawa nilang pagwe-welcome kay Sen. Chiz na nagbakasyon sa Japan kamakailan kasama ang asawa at ang dalawa niyang anak.

Reaksyon ni Heart, “Nakakahiya umabot pa kami sa Senado, but it’s nice.”

“It’s nice to see everybody being supportive with one another,” aniya.

Sa dulo ng interview ay nagbahagi ng life lesson si Heart bilang malapit na rin niyang ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa February 14.

“You become happy when you embrace your growth and when people around you support you,” saad niya.

Dagdag pa niya, “My husband has been very supportive lately.”

Taong 2015 nang ikinasal sina Heart at Chiz sa Balesin Resort.

Pero bago ‘yan, nagsimula ang love story ng dalawa noong 2012 nang ipakilala sa isa’t-isa ng yumaong senador na si Miriam Defensor Santiago.

Related chika:

Heart, Chiz may pinagdaraanan bilang mag-asawa, totoo nga kayang naghiwalay na?

Read more...