Ilang parte ng Metro Manila, Cavite mawawalan ng tubig – Maynilad

Ilang parte ng Metro Manila, Cavite mawawalan ng tubig – Maynilad

INQUIRER file photo

KASALUKUYANG nakararanas ng rotational water shortage o pagkawala ng tubig ang ilang parte ng Metro Manila at kalapit na probinsya.

Inanunsyo ng Maynilad Water Services Inc. sa social media post na dahil ito sa isinasagawa nilang maintenance na dulot ng hanging amihan.

Sey sa Facebook caption, “will have water service interruption daily…due to prolonged high raw water turbidity brought on by Amihan winds.”

Nagsimula ito noong February 4 at magtatagal ng hanggang February 6 o 7 depende sa lugar.

Kabilang sa mga apektado ay ang Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at ilang parte ng Cavite.

Pinayuhan ng Maynilad ang kanilang customer na mag-imbak ng sapat na water supply.

“We encourage our affected customers to store enough water when supply is available, saad sa pahayag.

Paalala din nila na sakaling magkaroon na ng tubig ay hayaan daw muna itong tumulo hanggang sa luminaw na ang tubig.

Dagadag ng West Zone Concessionaire, “Upon resumption of water service, please let the water flow out briefly until it clears.”

Tiniyak din ng kompanya na nag-iikot na ang kanilang water tankers para sa mga apektado ng rotational water shortage.

“Our mobile water tankers are also doing the rounds of the affected areas to deliver potable water, and stationary water tanks are installed in several areas,” anila Maynilad.

Para sa kumpletong listahan at impormasyon, bisitahin lang ang Facebook page ng Maynilad.

Read more:

Neri namutla sa sobrang lamig ng tubig sa shower: ‘Sa magugulat na ‘di naliligo araw-araw sa Baguio, wag kayong judgmental d’yan’

Read more...