USAP-USAPAN ngayon ang pagpapahinto ng mga TV programs na ipinapalabas sa TV network na ALLTV under Advance Media Broadcasting System.
“Lahat ng shows,” ito ang sabi ng aming source tungkol sa tsikang pinapahinto na ang mga programang “Wowowin” ni Willie Revillame, Toni ni Toni Gonzaga- Soriano at MOM nina Ruffa Gutierrez, Ciara Sotto at Mariel Rodriguez-Padilla na umeere sa ALLTV na pag-aari ng pamilya Villar.
Bukod sa walang makuhang guests sa “MOM” at “Toni” ay wala raw bumabalik sa mga inilabas ng pera simula nu’ng mag-launch ang ALLTV last September.
Sabi ng aming source, “may budget daw ang mga Villar talaga to produce the shows. Ang problema, return of investment. Walang pumapasok na advertisers. Labas sila nang labas ng pera pero walang pumapasok.”
In-anunsyo rin daw na open for blocktimers ang ALLTV pero, “wala ring pumapasok na shows for blocktimers kasi mababa ang ratings. Super baba.”
Sabi namin sa aming source na dekada ang aabutin ng ALLTV bago ito makakuha ng mataas na ratings at dumaan ang ABS-CBN at GMA 7 sa ganu’n. Ang TV5 nga ilang taon na hindi pa rin totally makaalagwa.
Tinanong namin ang tungkol sa sinabing pansamantala lang muna ang pagkakatigil ng mga programa at ibabalik din in months.
“Puwede naman, pero ‘yun nga lugi at kailangang ihinto para hindi lumobo ang lugi. Pero babayaran lahat ang buong staff at mga hosts,” pahayag ng aming source.
Mukhang walang alam si Mariel sa planong ito ng ALLTV dahil nang tanungin namin siya tungkol dito, “Hello, nooooooooo! Hindi. We have lots of exciting things happening (emoji smiling face with heart eyes).”
Related Chika:
Toni Gonzaga may nakaabang na dalawang proyekto sa AMBS, ani Cristy Fermin: Kapag may nawala, may papalit!
Mariel Padilla pumirma na rin ng kontrata sa ALLTV: The easiest decision I have ever made
‘Kapag marunong kang pumuna, dapat marunong kang tumanggap ng puna’ — Ogie Diaz