Manila kinilalang ‘Most Loving Capital City in the World’, may pinakamaraming ‘I love you’ tweets

Manila kinilalang ‘Most Loving Capital City in the World’, may pinakamaraming ‘I love you’ tweets

INQUIRER file photo

MALAPIT na ang Araw ng mga Puso at ika nga nila, “love is in the air.”

At ‘yan ang pinatunayan ng Manila, ang capital city ng Pilipinas, na kinilalang “Most Loving Capital City in the World.”

Base kasi sa isang pag-aaral na isinagawa ng Crossword Solver, ang nasabing pangunahing siyudad ang nangunguna na may pinakamaraming tweets ng “I love you” sa buong mundo.

Paliwanag pa nila, sa kada 100,000 tweets ay nasa 1,246 ng salitang “love you” ay mula sa Pilipinas, partikular na ang Maynila.

Lumalabas na 93% sa bansa ay “feeling loved” kada araw, ang pinakamataas na bilang ng post sa mundo.

“Our research reveals that Manila, the capital city of the Philippines, is the most loving capital city in the world: for every 100k tweets posted there, 1,246 contained a variation of the phrase ‘love you’,” saad sa isang website post.

Anila, “Love is very much in the air in the Philippines: a poll once revealed that 93% of people in the country reported feeling love on a typical day — the highest proportion of any country in the world.”

Ang pumapangalawa naman sa listahan ng “Most Loving Capital City in the World” ay ang Guatemala City sa Guatemala, pangatlo ang Luanda sa Angola, Pang-apat ang Jakarta sa Indonesia, at pang-lima ang Mexico City sa Mexico.

Ang bumubuo naman sa Top 10 ay ang Bagota sa Colombia, Algiers sa Algeria, Asuncion sa Paraguay, Buenos Aires sa Argentina at Ouagadougou sa Burkina Faso.

PHOTO: Courtesy Crossword Solver

Samantala, ayon sa Crossword Solver, ang “Most Loving Country in the World” ay ang Guatemala at ang “Most Loving City in the World” ay ang siyudad ng Cochabamba ng Bolivia.

Related chika:

Carla nakiusap na huwag basta iwan ang mga alagang hayop kapag may kalamidad: Give them the best chance of survival

Read more...