PATULOY na humahakot ng international acting awards ang actor na si Joaquin Domagoso.
Sa pagkakataon ito, nakapag-uwi siya ng “Best Youth Actor” award mula sa New York Cinema Independent Awards.
Inanunsyo ‘yan mismo ng kanyang talent agency na Sparkle GMA Artist Center sa isang social media post.
Ayon sa ahensya, ito ay dahil pa rin sa magaling niyang pagganap bilang si “Knight” sa thriller film na “That Boy in the Dark” na idinirek ni Adolfo Alix, Jr.
Proud na Instagram post ng talent agency, “Joaquin Domagoso wins another international Best Actor award (clapping hands emoji)”
Lahad pa nito, “Joaquin received the 2023 Best Youth Actor award at the New York Cinema Independent Awards for his portrayal in the movie ‘That Boy in the Dark’ (trophy emoji)”
Last November 23, nagwagi si Joaquin bilang “Best Actor” sa 16th Toronto Film and Script Awards na ginanap sa Toronto, Canada.
Sinundan pa ito ng kanyang pagkapanalo bilang “Best Actor” din sa 2022 Five Continents International Film Festival (FCIFF), isang online festival sa Venezuela.
Ang ikatlong “Best Actor” award ni Joaquin ay nakuha naman niya sa Boden International Film Festival na nangyari sa Sweden.
Dito naman sa Pilipinas, itinanghal din si Joaquin bilang “Iconic Young Actor Ace of the Year” sa The Global Iconic Aces Awards 2022 at “Promising Young Actor of the Year” sa 2022 Philippine Faces of Success.
Related chika: