Sigaw ng netizens, Vice Ganda hindi na raw nirespeto si Karylle: ‘Magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Karylle at Vice Ganda
NABASTUSAN at na-offend na ang mga tagasuporta ni Karylle dahil umano sa kawalang-respeto at “unfair treatment” sa kanya ng ibang hosts ng “It’s Showtime.”
Nag-number one top trending topic sa Philippine Twitter ngayong gabi, February 2, ang pangalan ng Kapamilya TV host-actress at singer dahil sa dami ng nagtatanggol na netizens sa kanya.
Partikular na sinita ng fans and social media followers ni Karylle si Vice Ganda dahil daw sa paulit-ulit nitong pambu-bully at pamamahiya sa kanilang idolo on national TV.
Kumalat sa Twitter ang isang video clip ng isang segment sa “It’s Showtime” kung saan inalmahan nga ng netizens ang sinasabi nilang pambabara ni Vice kay Karylle.
Mapapanood sa video ang pambubuking ni Karylle sa ginawang pagpe-prepare ni Vhong Navarro sa song number sana nito sa programa pero hindi ito natuloy dahil ibinigay raw ni Vice sa iba ang kantang ni-rehearse ni Vhong.
“Vice, may request si Vhongskie. Kasi last time nagre-rehearse siya sa umaga, tapos binigay mo sa iba yung kanta niya,” sey ni Karylle.
Sagot naman ni Vice, “Anong problema natin, Karylle?”
“Hindi, natatawa lang kami kasi isang buwan, pinraktis daw niya,” tugon naman ni Karylle.
Baling ni Vice kay Vhong, “O, e, di sana kinanta mo.”
Singit ni Karylle, “Sa bawat sulok daw ng bahay niya pinraktis niya.” Na sinagot uli ni Vice ng, “O, okay na yan, Karylle.”
Tawanan naman sina Vhong, Jhong Hilario, Amy Perez, Teddy Corpuz, Jugs Julueta, Ion Perez, Ryan Bang, MC at Lassy.
Kasunod nga nito, bumuhos na ang reaksyon ng mga netizens at fans ni Karylle na nabastusan nga raw sa ginawa ni Vice.
Anila, sobra na raw ang pambu-bully kay Karylle sa programa na tila nakakabastos na samantalang isa nga ang TV host sa original members ng show. Bukod dito, nabawasan na rin daw ang exposure ni Karylle dahil kina Kim Chiu, Jackie Gonzaga, Ion, MC, Lassy at Cianne Dominguez.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming tweet about the issue.
“Till now tinatanong ko pa rin sarili ko, Bakit nakakaya nilang iwanan si Karylle sa ere or ano kaya ginawa nila as ‘friends’ nong panahong binetray sya nong director na yon? Ganon ba talaga sa showbiz?”
“I’m sorry but I don’t see the point of adding Cianne, Jackie, Ion, MC, Lassy, Kim Chiu sa Showtime. Like I know ka-close sila ni Vice but giving them MORE exposure than OG showtime hosts like Karylle….that has been on the show for about 13 YEARS just seems so UNFAIR.”
“It’s not that I want Karylle out of the show. She’s an OG and I love seeing her there. However, if the show no longer serves her, then maybe it is time to open herself o other opportunities. She’s a very talented artist. She deserves the best.”
“Nasa live audience ako kanina ng showtime, grabe after madisrespect ni K gusto ko bumaba to hug her. She don’t deserve that treatment. Hindi porket she’s too kind babastusin na lang ng ganun at paulit-ulit. Karylle really deserve so much more.”
“I hope marealize ni Vice na we’re not trying to throw hate at him, but we want to fair treatment and respect for Karylle.”
“Ang bastos ni Vice kay Karylle (angry emoji).”
“Vice, magkaiba po yung pagbibiro sa pagiging bastos!”
“Dami na nagrereklamo. Sana makinig kayo. Tanggalin na yung mga bagong dagdag kasi masakit lang talaga sa mata. Bigyan niyo ng exposure sina Karylle, Tyang Amy. Pati sina Jugs & Teddy mas nawalan ng exposure. Palitan na yung opening segment dahil naging comedy bar.”
“Karylle you deserve better treatment just leave that shit show dito pa nga lang sa dance eme nila for vhong kung seniority paguusapan mas deserve ni K yang position ni kim.”
Tila nakarating naman kay Kim Atienza at dating co-host sa “Showtime” ang isyu tungkol kay Karylle kaya nag-tweet din ito ng, @anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle.”
May mga nagtanggol naman kay Vice at sinabing biruan lamang ang sagutan nina Vice at Karylle sa “Showtime” at huwag masyadong seryosohin. Alam nilang love na love ni Vice si Karylle kaya walang issue.