Dolly de Leon iniyakan ang pagkalaglag sa Oscars 2023: ‘I felt bad for about 2 to 3 days’

Dolly de Leon iniyakan ang pagkalaglag sa Oscars 2023: 'I felt bad for about 2 to 3 days'

DINAMDAM at talagang iniyakan ng award-winning Filipina actress na si Dolly de Leon ang pang-iisnab sa kanya ng mga hurado sa 95th Academy Awards o Oscars.

Nitong nagdaang January 24 ay ibinandera nga ng Oscars sa buong universe ang listahan ng mga nominado ngayong taon para sa iba’t ibang kategorya.

Maraming Filipino at mga foreign personalities ang umasa na mapapasama sa mga nominees si Dolly para sa Best Supporting Actress category para sa pinag-uuspang pelikula niyang “Triangle Of Sadness.”

Hindi itinago ni Dolly sa madlang pipol ang tunay niyang naramdaman nang malamang laglag siya sa final list ng nominees.

“Ang initial reaction ko talaga? Umiyak ako. Nalungkot ako. I felt bad. I felt bad for about two to three days and after that, okay na ako.

“I mean, I’m not gonna lie. I’m not gonna pretend na okay lang sa akin na hindi ako na-nominate noong time na yon.

“Siyempre, sumama ang loob ko kasi ang daming nag-uusap na baka… baka…baka…so, parang na-ingrain sa utak ko na, ‘Oo, baka nga. Baka nga.’

“So, nu’ng hindi ko nakuha, sumama yung loob ko. Pero after that, nag-move on na ako. Okay na ako,” ang pahayag ni Dolly sa panayam ng “TV Patrol.”

Dugtong pa niya, “Para sa akin, this is a game that we’re all playing, if we think about it… this award thing.

“Great, ang ganda kung may recognition, may award, pero at the end of the day, sana let the work speak for itself.

“That is not to discredit the nominees. For me, I have so much respect for each and everyone of them. Kung anuman yung outcome, yung nangyari, okay na. All good. It’s good,” diin pa niya.

Ang mga maglalaban-laban sa pagka-Best Supporting Actress sa Oscars ay sina Angela Bassett (Black Panther: Wakanda Forever), Hong Chau (The Whale), Kerry Condon (The Banshees of Inisherin), Jamie Lee Curtis (Everything Everywhere All At Once), at Stephanie Hsu (Everything Everywhere All At Once).

Samantala, nominado namang Best Picture ang “Triangle of Sadness” at ang Best Director si Ruben Östlund sa Oscars.

Related Chika:
Dolly de Leon inisnab sa Oscars 2023, pero ‘Triangle of Sadness’ lalaban sa pagka-Best Picture

Dolly de Leon sa nakuhang nominasyon sa 80th Golden Globe Awards: Hindi ako sanay sa ganito, ang sarap!

Dolly de Leon pasabog ang role sa ‘Triangle of Sadness’, binigyan ng standing ovation sa opening ng 10th QCinema filmfest

Karen ipagdarasal ang patuloy na paglaban ni Dolly sa Hollywood, hindi man sang-ayon sa resulta ng Golden Globes, pero…

Read more...