Celeste Cortesi muling ibinuyangyang ang kaseksihan, ‘pinaapoy’ ang socmed
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Celeste Cortesi
PROUD na proud na ipinakita ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang kanyang super sexy body sa kanyang mga fans at social media followers.
In fairness, talagang pasabog ang pagpe-flex ng naging bet ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 sa pamatay niyang katawan sa pamamagitan ng Instagram.
Makikita sa IG post ng beauty queen ang kanyang two-piece pink bikini photos pati na rin ang mga ginagawa niyang workout para ma-maintain ang katawang pang-Miss Universe.
Bukod dito, kitang-kita rin sa mga photos ni Celeste ang tattoo niya sa dibdib at hita. Meron din siya sa may bandang singit.
Bumaha ng fire emojis at mga positibong reaksyon sa comments section ng nasabing Instagram post ni Celeste kabilang na riyan ang mga nagmula sa mga kapwa niya beauty queen.
“Hottieee!” post ni Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados.
“In-love emoji” naman ang komento ni Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo.
“MADAMEEEEE!!!!!” komento ni Chie Filomeno.
Narito naman ang mga comments ng ilang fans ni Celeste.
“Love love those tattoos! So hot!! You are a girl on fire!”
“Real Celeste is back. The bombshell!”
“This is saying ‘you don’t need a crown to be a queen.’”
“WE LOVE YOU QUEEN! Keep posting! No more holding back. Enjoy!”
“You are my favourite miss philippines ever!! Greetings from México!”
“Our miss el tocuyo is serving bodyyyy!”
“Ayyy daaii pasabog!”
“Bi wala naman lumalaban sayo bat ka ganyaaaaan!!!!!!!!!!!”
“This is the real Celeste. Fierce and full of fire. This is what we expect to see in MU prelims but u fortunately we saw different Celeste on the stage. Nawala yung spark, fierce and confidence.”