Gretchen Ho tawang-tawa na mas sikat pa ang furbaby kesa sa kanya: Maniningil na ako next time

Gretchen Ho tawang-tawa na mas sikat pa ang furbaby kesa sa kanya: Maniningil na ako next time

PHOTO: Instagram/@gretchenho

LAUGHTRIP sa social media ang isang post ng TV host-anchor na si Gretchen Ho.

Ito ay matapos niyang ibandera sa Instagram ang mga larawan na tila nilibot ang UP Diliman Campus kasama ang kanyang pet dog na si Java.

Ipinakita pa ni Gretchen ang mga picture na mas pinagkakaguluhan pa ng madlang pipol ang kanyang aso kaysa sa kanya.

Pabirong caption pa ng TV host, “So i brought Java to a public place, and…Maniningil na ako next time (laughing emoji)” 

Libo-libong netizens naman ang napa-comment at humirit ng mga nakakatawang komento.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Mag PA ka nalang ni Java (laughing emoji),” comment ng isang netizen.

Sey ng isa pa, “Pogi naman kasi ni Java! (red heart emojis)”

Saad naman ng nag-cmment, “Bigla ko tuloy pinangarap maging leash (peace sign emoji)”

“Touch: 100 php. Photo : 200 php. Photo and touch: 250php (laughing emoji),” pabirong sinabi ng isang fan.

Lahad naman ng isa pang netizen, “Kailangan niya ng manager!”

Read more:

Gretchen Ho nagluluksa pa rin sa pagpanaw ng ama: You will live on in us

Read more...