Joaquin Domagoso hindi makikipag-away kay Isko Moreno tungkol sa politika: ‘Matatalo lang ako…and I Iove him’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Joaquin Domagoso at Isko Moreno
ANG feeling ni Joaquin Domagoso ay maraming hindi nagkakasundo sa usapang politics kahit na sa magkakapamilya at magkakarelasyon.
With this, iniiwasan ni Joaquin na pag-usapan ang politika lalo na’t ang kanyang amang si former Manila Mayor Isko Moreno ay may pelikula ring malapit nang ipalabas.
Gumaganap si Joaquin bilang Yosef, isa sa mga fictional character sa “Ako Si Ninoy”, a film written and directed by Vince Tañada na tungkol sa buhay ni Ninoy Aquino habang ang kanyang ama naman ay gumaganap naming Ninoy Aquino sa “Martyr or Murderer”.
“He just know na tama lang talaga na hindi namin pinag-uusapan. We’re family. We’re not supposed to be fighting.
“Hindi ko talaga aawayin ang papa ko. Matatalo ako. I love him. Why would I take arms against him. Masasaktan ako bago pa siya masaktan,” say ni Joaquin sa official announcement of the cast ng “Ako Si Ninoy” kamakailan.
Joaquin stressed that he’s not into politics, “Wala ako sa politika. Wala akong balak magpolitika not unless nakapag-aral na po ako.”
Para kay Joaquin, kailangang makatapos muna siya ng isang kurso bago sumabak sa politika. Pero aniya, hindi rin ito guarantee na papasok siya sa mundo ng politics kung makatapos siya ng college.
Sa kasalukuyan ay Entrepreneurship ang kurso ni Joaquin pero balak niyang palitan ito ng Finance.
“If you really want to be in politics, hindi ka dapat basta-basta tatakbo dahil sikat ka or sikat ang magulang mo, say niya.
For him, a Political Science or a Law course will prepare him for a political career.
“‘Yung talagang makapagtapos, then I will go. Only then will I decide pa lang. Hindi ibig sabihin na I will decide agad,” say niya.
“Ako Si Ninoy” is about the inter-twinning stories of 11 individuals in modern day. Singer JK Labajo plays Ninoy Aquino.
Also in the cast are Sarah Holmes, Cassy Legaspi, Johnrey Rivas, Vean Olmedo, Nicole Laurel, Adelle Ibarrientos-Lim, JM Yosures, Jomar Tañada and Bodjie Pascua.