Xian Gaza kay Paolo: Kahit ano pang isyu mo sa mga nanay ng anak mo obligasyon mo pa ring magpadala ng sustento
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Paolo Contis at Xian Gaza
VIRAL si Paolo Contis matapos umaming hindi siya nagpapadala ng sustento sa tatlong anak na babae na sina Xonia at Xalene kay Liaz Paz at Summer na si LJ Reyes naman ang ina.
Ayon sa aktor, may mga dahilan siya kung bakit hindi siya nagsusustento pero hindi ibig sabihin ay hindi siya nag-iipon para sa mga bata. Sa katunayan ay nagtatabi siya para sa tatlong anak na gusto niyang maibigay nang diretso sa mga ito pagdating ng araw.
Hindi pabor ang lalaking Marites na si Xian Gaza na kapareho rin ng sitwasyon ngayon ni Paolo na may dalawang anak sa dalawang babaeng nakarelasyon niya noon.
Nagpost si Xian ng open letter para kay Paolo na ipinost niya sa kanyang Facebook account.
“This message is not from a point of hate but from a point of a man na kaparehas mong may dalawang ex na naiwanan ng anak.
“I understand kung bakit hindi ka nagbibigay ng sustento because you have your personal reasons. Maaaring lulong sa sugal si babae or sinusunog lamang niya ang pera sa mga luho o baka naman may lalaki siya na pinagkakagastusan,” ang panimulang mensahe ni Xian kay Paolo.
“Hindi napupunta sa kapakanan ng mga anak mo yung pera. Those are the possibilities. Nauunawaan kita. That’s why pinili mo na lang mag-ipon ng separate savings account para sa mga bata dahil wala kang tiwala sa dalawang babae. I understand that,” dagdag pa niya.
At saka ikinuwento ni Xian ang kanyang nakaraan.
“Let me share to you this short story.
“Way back November 2021, nag-away kami nu’ng nanay ng babae kong anak. Social media drama. Siniraan niya ko sa publiko without a proper basis. Post-partum depression.
“Her mental health is not okay that time. We didn’t communicate for 8 consecutive months hanggang sa nag-reach out na lang siya sa akin at humingi ng tawad.
“From December 2021 to July 2022 na hindi kami nag-usap, my lawyer is sending a regular sustento to her bank account every first week of the month.
“Ano yung point na gusto kong tumbukin?
“Paolo, no matter what issues you have with their moms, kesyo hindi napupunta sa tama ‘yung sustentong ipinapadala mo, obligasyon mo pa ring magpadala ng fixed amount every month para sa araw-araw na gastusin ng mga bata.
“Kung saan ito gagastusin ni babae eh is not your problem anymore. Labas ka na dun. Diskarte na nila yun. Iniwanan natin sila ng mga anak na papalakihin ng ilang taon at araw-araw aalagaan habang tayo ay nagbubuhay-binata eh that’s the least that we can do for them.
“Sobrang hirap maging ina jusko!
“Regular sustento na lang sana,” aniya pa.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 20,000 ang nagkagusto sa payong ito ni Gaza at may 2,900 shares na rin. Limitado ang comment section nito kaya iilan lang ang nabasa namin at tila mga kakilala pa lahat ni Xian.
Mula kay @Charmaine Catambis Abrigo, “Sana lahat nang tatay katulad mo Pag dating sa Pag susustento. Doesn’t matter how small or big of the amount ang importante te is marunong padin ganpanan ang obligation sa anak. Unlike sa tatay nang mga anak ko ang galing sa mga anak nang iba Pag dating sa anak nila ni sentemo Wala,nagagawa pa akong utangan haha..IM SO PROUD dahil support ko ang mga anak ko at nag babanat ako nang buto..Single mom.”
Say naman ni @Jocelyn Reyes Youn, “Wow ang ganda ng mindset mo. isa kang mabuting ama Xian at isang halimbawa sa mga kalalakihan na gusto maging Padre de Pamilya. Sana Dumami pa lalo ang mga katulad mo ha!”
Pero sa kabilang banda ay inamin din ni Xian Gaza na hindi siya magaling maging tatay o ama.
Sagot ni @Christian Albert Gaza, “Padre de Pamilya? Iniwan ko nga ‘yung mga anak ko sa mga nanay nila. Niloloko mo naman kami. Sa sustento lang ako magaling. Pero magpaka-ama, hindi.”
Pabor naman si @Namieh Oya, “Agree! Yung may katuwang ka na nga sa pag-aalaga mahirap na eh, ‘yung maging single mom pa kaya. Laban sa mga single mommies out there, sobrang tapang ninyo.”