SA pamamagitan ng siyensya at makabagong teknolohiya ay kaya nang matukoy ang perpektong mukha ng isang tao.
At dahil nga diyan ay tila nahanap na kung sino ang maituturing “most handsome in the world.”
Siya’y walang iba kundi ang British actor at bida sa sumikat na Netflix series na “Bridgerton” na si Regé-Jean Page.
Base sa digital face-mapping software na “Greek Golden Ratio” ay nakakuha ng score na 93.65% ang aktor.
“The 34-year-old British actor actor – Simon Basset, the Duke of Hastings in the hit Netflix series – was found to be 93.65% accurate to the Greek Golden Ratio of Beauty Phi – which measures physical perfection,” sey sa isang Instagram post.
Ang pumangalawa naman sa pinakagwapo ay ang “Avengers” star na si Chris Hemsworth na may 93.53%, at ang sumunod ay ang “Black Panther” hunk na si Michael B Jordan na may 93.46%.
Ang nasabing proseso ay pinangunahan ng British plastic surgeon na si Dr. Julian De Silva.
Ayon sa kanya, ang bagong pamamaraan na ito ay nakakatulong sa mga isinasagawa nilang plastic surgery para sa mga pasyenteng nais pang magpaganda.
Caption sa IG post, “These brand new computer mapping techniques allow us to solve some of the mysteries of what it is that makes someone physically beautiful and the technology is useful when planning patients’ surgery.”
Related chika:
Chris Hemsworth tigil muna sa showbiz, natuklasang prone magka-Alzheimer’s disease