Pia Wurtzbach napa-throwback sa ‘babawi tayo’ tweet, kinikilig pa rin sa suporta ng fans

Pia Wurtzbach napa-throwback sa ‘babawi tayo’ tweet, kinikilig pa rin sa suporta ng fans

PHOTO: Instagram/@piawurtzbach

Taong 2015 pa nang maiuwi ni Pia Wurtzbach ang korona ng Miss Universe sa Pilipinas at laking pasasalamat pa rin niya sa mga fans na patuloy pa rin siyang sinusuportahan.

Sa isang Twitter post, inihayag ni Pia ang kanyang pagkakilig matapos muling mag-trend ang isa niyang tweet seven years ago.

Caption niya, “Midnight thoughts…I still get kilig when you guys engage with my ‘Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe’ tweet from 2015.”

“Thank you for believing in me (blue heart emoji),” dagdag pa niya.

Bumuhos naman diyan ang mga positibong comments ng maraming netizens, gaya nito:

“Thank you for believing in yourself and in the Filipino people, Queen.”

“Kasi naman Queen P. Gamit na gamit ko din yan pag lalo na down na down ako. Sinasabi ko lang sa sarili ko. Wait ako bahala babawi tayo self. Ikaw naaalala ko jan promise!!!”

“Girl you INSPIRE A LOT OF PEOPLE EVEN TO THIS DAY. YOU ARE AN INSPIRATION!”

Sa isa pang follow-up tweet ay sinabi ng beauty queen na patuloy lang na maniwala sa sarili.

Tweet niya, “Just a pahabol to this, if there’s anything I want you to learn from this – it’s that if something is meant for you, as long as you put in the work, nothing can stop you.”

“Muntik pa nga ako ma-draw ‘di ba? But we did it. YOU can do it. Trust your heart (blue heart emoji),” aniya.

Matatandaang pitong taon na ang nakakalipas nang matalo sa isang boxing match ang boxing legend na si Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather.

At bilang lalaban din sa Miss Universe pageant si Pia sa panahon na ‘yan ay nag- tweet siya ng, “Kalma lang guys. Ako bahala. Babawi tayo sa Miss Universe!!”

Nagkataon na natupad ang “manifestation” tweet ni Pia dahil nanalo nga siya sa nasabing kompetisyon.

Related chika:

Pia Wurtzbach iniyakan ang eksena nang hindi magkasya ang isusuot na gown para sa Miss Universe 2015: ‘Sobrang nakaka-stress!’

Read more...