Andre Yllana pangarap makasama sa teleserye at pelikula sina Aiko at Jomari: ‘Pero natatakot ako kasi…’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jamari Yllana, Aiko Melendez at Andre Yllana
RAMDAM na ramdam pa rin ng Viva Artists Agency (VAA) artist na si Andre Yllana ang matinding pressure sa showbiz bilang anak ng dalawa sa magagaling na artista sa bansa.
Ayon kay Andre, hindi raw maiaalis sa kanya ang makaramdam ng kaba o nerbiyos sa bawat proyektong ginagawa niya dahil nga sa mga parents niyang sina Aiko Melendez at Jomari Yllana.
Sey ni Andre sa interview ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, hindi talaga biro ang maging anak ng mga sikat at premyadong celebrity.
“Never na nawala sa sarili ko ‘yung pressure. Siyempre, growing up, si mommy pati si daddy artista. Tapos, pumasok ako nu’ng ganu’ng landas, so parang merong expectation ‘yung tao from you,” pahayag ng binata.
Nauna nang inamin ni Andre sa story conference ng upcoming book-to-screen adaptation ng “The Rain in España” noong November, 2022 under Viva Entertainment, na disadvantage para sa kanya ang maging anak ng mga sikat na artista kesa advantage.
Sabi naman niya sa vlog ng nanay niyang si Aiko, “Pinakanape-pressure lang naman ako kasi magaling kang umarte. Hindi naman lahat ng artista kapag nagsimula magaling na agad. ‘Yun ‘yung pinakakinatatakutan ko, na baka hindi ko ma-reach ‘yung standards ng mga directors.”
Pero pag-amin niya kay Ogie, “Actually, gusto kong makatrabaho sila mommy, pero natatakot ako kasi hindi ko rin alam kung ano yung magiging… ano yung mangyayari.
“Hindi ko alam kung mahihiya ba ‘ko kay mommy or mas malalakasan ba ako ng loob ‘pag nakatrabaho ko sila mommy kaya gusto ko rin ma-try,” aniya pa.
Naikuwento rin ng binata na tinangka raw niyang gumawa ng paraan para magkabalikan ang mga magulang pero natanggap din daw niyang imposible na itong mangyari.
“Nu’ng nagkakaroon na rin sila ng mga kanya-kanyang mga relationship, nakikita ko rin naman na masaya sila, okay na ako du’n,” aniya pa.
Nabanggit din ni Andre sa vlog ni Aikon na nangulila talaga siya sa pagmamahal ng isang ama, “Siguro ‘yung thirst ko for a father, dati grabe ako maghabol kay dad, siguro nasanay na rin ako na parang wala siya. Pasensya na lang kung may mga times na nakakalimutan kita.”
Ngunit sa kabila ng mga nangyari, nagpapasalamat pa rin si Andre na maaga niyang naranasan ang mga pagsubok sa kanyang buhay dahil nagsilbi itong test para maging matapang siya.
“Feeling ko parang practice round bago sa totoong laban,” ang pahayag pa ni Andre.