Sanya inintriga ng ina kay Gabby: Ang tanong niya sa akin, 'Kayo na ba?' Sabi ko 'Ma? Wait lang Ma!' Bandera

Sanya inintriga ng ina kay Gabby: Ang tanong niya sa akin, ‘Kayo na ba?’ Sabi ko ‘Ma? Wait lang Ma!’

Ervin Santiago |July 22,2021
share this

Sanya inintriga ng ina kay Gabby: Ang tanong niya sa akin, ‘Kayo na ba?’ Sabi ko ‘Ma? Wait lang Ma!’

Ervin Santiago July 22,2021 - 09:05 AM

HANGGANG ngayon ay halatang ramdam na ramdam pa rin ng Kapuso sexy actress na si Sanya Lopez ang matinding kilig para kay Gabby Concepcion.

Nang mapag-usapan kasi ang mga kilig na eksena at kissing scene nila ng veteran actor sa kanilang primetime series na “First Yaya” ay talagang na-excite nang bonggang-bongga ang dalaga.

In fairness, talaga namang bumenta sa manonood ang tambalan nina Gabby at Sanya sa kaya maraming Kapuso viewers ang nagre-request na magkaroon na very soon ng sequel o book 2 ang “First Yaya.”

Sa isang panayam kay Sanya, natanong siya kung sino ang taong gusto niyang pagsilbihan, agad niyang binanggit pangalan ni Gabby dahil daw sa pag-aasikaso nito sa kanya at sa buong cast ng “First Yaya” nang bumisita sila sa rest house nito sa Batangas.

“Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas. So grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga. 

“Every day yata kailangan niyang mamalengke, as in palengke talaga pupuntahan niya tapos ipamimili ka niya tapos ipagluluto ka rin niya,” ang masayang kuwento ng aktres.

Samantala, aliw na aliw naman kami sa nanay ng Kapuso leading lady na umaming kilig na kilig din sa tambalan nina Sanya at Gabby sa natapos nang serye. 

Anito, napanood din daw niya ang ending ng “First Yaya” kung saan ikinasal nga sina Yaya Melody (Sanya) at President Glenn Acosta (Gabby). Sey naman ni Sanya, naloka nga raw siya sa tanong sa kanya ng ina.

“Ang una niyang tanong sa akin, ‘Kayo na ba?’ Sabi ko ‘Ma? Wait lang ‘Ma!’ Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion. 

“Sabi niya sa akin ‘So ano ang feeling na na-kiss ka ni Gabby?’ Sabi ko ‘Mommy nakakakilig until now,’ sabi kong ganoon sa kaniya,” natatawa at kinikilig pang chika ng dalaga.

Bilib din daw si Sanya sa pagiging gentleman ni Gabby at pantay-pantay din ang tingin nito sa lahat ng kanilang katrabaho kaya mas lalo siyang humanga sa aktor. 

Samantala, pinusuan at ni-like rin ng kanyang mga fans at followers sa Instagram ang ipinost niyang sweet photo nila ni Gabby na kuha sa beach.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending