NANAWAGAN ang singer-actor na si Ice Seguerra na simulan na ang pagdinig patungkol sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression o SOGIE Equality Bill.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng mang-aawit ang kanyang saloobin patungkol sa tila hindi pagbibigay prayoridad ng senado sa naturang bill.
“URGENT ALARM, MGA LGBTQ+ AT MGA ALLIES. There are attempts to delay, ONCE AGAIN, the SOGIE Equality Bill from being deliberated in the Senate Plenary. Mga bakla, all eyes on the Senate tomorrow at hanggang mapasa ang batas,” saad ni Ice.
“I-tweet at i-email ang mga Senador na full support tayo sa SOGIE Equality Bill na i-debate na sa plenaryo. Magpost sa lahat ng social media (Tiktok, FB, at IG) at i-tag ang mga accounts ng mga Senador at mga kaalyado, lalung-lalo na sila Senate President Migz Zubiri at Majority Floor Leader Joel Villanueva,” dagdag pa niya.
“Ang pagbabalik sa committee ng SOGIE Equality Bill para maging parte ng iba pang bill o komite ay paglusaw at pagdelay nito.
“Tama na ang delaying tactics. Tama na ang pasikot-sikot. Senators, stop hiding and stop delaying. I-plenary na ang SOGIE Equality Bill,” hirit pa ni Ice.
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naturang post ng singer-songwriter.
May mga sang-ayon sa panawagan ni Ice samantalang may iba naman na tila hindi natuwa sa kanyang pahayag.
“Lahat ng bagay pwede enjoy pero ito ay dapat isipin na may judgement…pwede maging masaya basta ito ay ayun sa Dios na may likha ng tao,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Yes please. let’s pray.”
Sinagot naman ni Ice ang netizen na nagsabing pwede na ang same sex marriage sa SOGIE Bill.
“No, this is anti-discrimination and in no way connected to civil union. This bill is needed to protect everyone who is discriminated based on their sexual orientation, gender identity and expression. Napakalayo po nito sa same sex marriage. That is a totally different discussion.” sey ng singer.
Related Chika:
Dingdong kampi kay Kaladkaren, suportado ang SOGIE Equality Bill
Ice Seguerra, Liza Dino hindi na itutuloy ang paggawa ng sariling baby: Kulang sa funds!