Coco Martin hindi papasukin ang mundo ng pulitika: Hindi ‘yun ang forte ko

Coco Martin hindi papasukin ang mundo ng pulitika: Hindi ‘yun ang forte ko
AMINADO ang Kapamilya actor na si Coco Martin na hindi pakiramdam niya, hindi siya bagay sa pulitika.

“Ang feeling ko kasi ay hindi ‘yun ang forte ko, hindi ako doon magaling” sabi niya sa reporter na nagtanong kung papasok siya sa politics during his launch as the newest ambassador of RiteMed Monday, January 23.

Rebelasyon ni Coco, “Actually, every time kapag may kampanya, lagi po sa akin tinatanong ‘yan.

“Hindi naman po lumalapit, tinatanong lang kung may plano o may gusto.”

 

“Hindi po talaga,” dagdag pa niya. Mas gusto na lang niyang tulungan ang mga taong pinaniniwalaan niya.

Aminado si Coco na wala siya ng mga “qualities” ng isang politician at pakiramdama niya ay mas bagay sa kanya ang maging aktor Martin kahit na nagsimula rin siya noon sa wala at natutunan lang along the way ang pag-arte maging ang pagigigng direktor in a long, tedious process.

“Hinahanap ko kung saan mas made-develop pa ang sarili ko, kung saan ako mas makakapag-explore pa.

“Nu’ng nakita ko po siya, hindi man ako nakapag-aral talaga sa mundong ginagalawan ko, sa creative, sa pagdidirek o sa pag-arte, pero nakita ko na may talent ako dito kahit papaano,” sabi ni Coco.

Dagdag pa niya, “Kaya dito ko talaga binubuhos ‘yung pagod, lakas at talino. Para sa akin, ito ang mahal ko. Dito ako masaya kahit pagod na pagod ako.”

Nakapag-taping na si Coco for his next TV series, “Batang Quiapo” at ipinalabas na ang official trailer nito. Ito ang next project ni Coco matador ang nearly-seven year old action series na “FPJ’s Ang Probinsiyano”.

Related Chika:
Coco hirap na hirap mag-shooting sa US: Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ‘yung mga crew doon

Julia Montes sa bahay na ni Coco Martin nakatira?

Lovi Poe handang handa para sa ‘FPJ’s Batang Quiapo’, nakipaglaro ng poolan kay Coco Martin

Coco sinigurong magkaiba ang atake sa Batang Quiapo at Probinsyano: ‘Kailangan nating makipagsabayan sa international’

Read more...