ABS-CBN nagsalita na ukol sa pagkaka-cancel ng ‘Darna’ sa Indonesia
FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA ngayon ang tungkol sa pagkakahinto ng pagpapalabas ng Darna series sa ANTV free TV ng bandang Indonesia.
Humingi kami ng statement mula sa produksyon ng Darna, ang JRB Creative Productions through Corporate Communications pero sinabihan kami na ang kausap ng ANTV ay ang ABS-CBN International Sales Division.
Sinagot na kami ng taga-Corporate Communications tungkol sa pagkakahinto.
Ayon sa ABS-CBN International Sales Division tungkol sa Darna.
“Indonesia recently stopped analog TV broadcasting and shifted to digital TV broadcasting ANTV determined that it would be better for viewers to enjoy ‘Darna’ once the transition to digital TV broadcasting has been completed. New airing details will be announced soon.
Sa madaling salita ay ipalalabas pa rin ang “Darna” series ni Jane de Leon sa Indonesia kapag naayos na ang digital TV broadcasting nila.
View this post on Instagram
Ganito rin naman ang mangyayari sa ABS-CBN na isa-shutdown na rin nila ang analog TV ngayong taon, 2023 naunahan lang ng bansang Indonesia.
Kaya sa mga fans ni “Darna” o ni Jane de Leon sa nasabing bansa ay mapapanood pa rin siya wait lang natin kung kailan ang schedule.
Related Chika:
‘Darna’ kanselado na raw sa Indonesia, true kaya?
‘Darna’ mainit na tinanggap ng Indonesian viewers, ‘Viral Scandal’ palabas na rin sa Africa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.