MAY babala sa publiko ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay tungkol sa bagong “modus” o panloloko umano ng ilang mga driver ng pribadong sasakyan na nagkukunwaring Transportation Network Vehicle Service o TNVS providers.
Ayon sa inilabas na pahayag ng LTFRB, may mga ulat silang nakukuha mula sa social media na pwersahang kumukuha ng mga pasahero at naniningil ng napakataas na pamasahe.
“The LTFRB received reports coming from social media networks about a vehicle allegedly offering TNVS services among commuters but in a forcible manner and charged a much higher fare,” saad sa pahayag.
Ayon pa sa ahensya, ang operasyon ng mga modus na ito ay karaniwang nasa paligid ng mga mall sa Quezon City.
Babala pa ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, dapat itigil na ang mga ganitong klaseng panloloko.
Marami raw kasi ang naaabala nito hindi lang sa legit na ride-hailing services, kundi pati na rin sa mga nagco-commute.
“I was really disturbed by these ‘scams’ allegedly perpetrated by unscrupulous individuals against ride-hailing app customers. If indeed they are doing it, they should stop immediately,” diin ng LTFRB Chairman.
Dagdag niya, “It affects the business of legitimate ride-hailing apps and more importantly the commuting public.”
Naiintindahan daw ni Gaudiz na nais lamang ng mga ito na magkaroon ng dagdag na kita, ngunit dapat ay gawin ito sa tamang paraan.
Sey niya, “There is always a right way in doing things, particularly when it comes to offering services to the public.
“For those who want to offer TNVS services and earn extra money, they should apply for a franchise.”
Read more: