SUNOD-SUNOD ang collaboration project ni Chito Miranda, ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar.
Isang linggo matapos i-anunsyo na kasama niya si Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano sa isang original song ay ibinandera naman niya na may proyekto siya kasama ang rapper na si FlowG.
Kwento pa ni Chito na tatlong taon bago nila natapos ang collab song.
Caption niya sa isang facebook post, “Tapos na yung niluluto namin…after 3 years (peace sign emoji).”
“June 13 2020 nung nag-message si @plojiflowg sa akin asking kung trip ko ba daw mag-jam. Kagabi, tinutukan at tinapos na namin,” kwento ng singer.
Labis din ang papuri ni Chito kila FlowG at sinabihan pa silang magaling.
Caption ni ng Parokya ni Edgar vocalist, “Napakabait talaga nitong mga ‘to kahit mga mukha silang salbahe hehe! They know what they want, and they know what they’re doing, and they go after it, and get it done…sobrang galing nitong mga ‘to, regardless of what others say or think.”
Patuloy pa niiya, “Magja-jam din si Flow G, kasama ni Gloc9 and Shanti Dope sa 12Monkeys on Feb10, para kay Gab.”
“Anyway, yun lang…abangan nyo nalang yung kanta. Labas namin agad once matapos i-mix ni FlowG,” aniya.
Kamakailan lang ay nanawagan ng tulong si Chito sa isang social media post dahil sa malubhang kalagayan ng gitarista ng kanilang banda na si Gab Chee Kee.
Sinabi niya na nasa Intensive Care Unit (ICU) si Gab dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit na “lymphoma,” isang kanser ng lymphatic system.
“Unfortunately, due to complications brought about by his condition, he is now battling pneumonia and was recently transferred sa ICU and has been intubated for more than a week already,” pagbabahagi ni Chito.
Aniya, “He was financially prepared naman for the chemotherapy…but now, his family needs help with the overwhelming hospital bills.
Ibinalita pa niya na magkakaroon ng ilang fundraising events ang kanilang banda, pati na rin ang ilan nilang mga kaibigan sa music industry upang matulungan si Gab.
“Parokya and our friends from the music scene will be doing a series of fundraising gigs to help Gab out…most of which won’t even be announced as fundraisers. Tahimik lang sila na tutulong,” pagbubunyag ni Chito.
“Matinding laban to for Gab…at reresbakan natin siya,” aniya.
Related chika:
Chito Miranda nag-fan boy kay Gary Valenciano, magco-collab sa isang kanta