Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan bigong makabuo ng baby sa pamamagitan ng IVF, napaiyak sa presscon ng ‘Litrato’

Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan bigong makabuo ng baby sa pamamagitan ng IVF, napaiyak sa presscon ng 'Litrato'

Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas

NAIYAK ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas nang mapag-usapan ang tungkol sa plano nila ng asawang si Gerald Sibayan na magkaroon ng sariling anak.

Hindi napigilan ni Ai Ai ang kanyang emosyon nang humarap sa ilang miyembro ng entertainment media  kahapon para sa story conference ng bago niyang pelikula, ang “Litrato” mula sa 3:16 Media Network na pag-aari ni Len Carillo.

Malungkot na kuwento ng veteran actress at TV host, dalawang beses na nilang sinubukang makabuo ni Gerald ng baby sa pamamagitan ng in vitro fertilization, pero hindi raw sila nakabuo.

Paliwanag ni Ai Ai nang matanong sa presscon ang tungkol dito, “Yun kasing mga ano namin, yung babies namin, yung dalawa… ayan, tingnan mo, naluluha na naman ako.

“Yung dalawa, hindi natuloy. Isa na lang ang natira,” pag-amin ng komedyana na pilit pinipigilan ang maiyak. Pero tuluyan na nga siyang naluha sa harap ng press at nagpahid ng mga mata.


May nagkomento naman na may mapaghuhugutan na siya sa mga madadramang eksenang gagawin niya sa “Litrato” kung saan gaganap siya bilang isang lola na may dementia.

Sabi pa ni Ai Ai habang pinupunasan ang mga mata, “O, nakita mo na? Nakita mo ang buhay ko, di ba? Alam mo na.”

Tumango lamang ang komedyana sa sundot na tanong kung umaasa pa rin sila ni Gerald na makabuo ng baby sa kabila ng mga nangyari.

Sa kuwento ng “Litrato”, hindi na nakikilala ng karakter ni Ai Ai ang ilang miyembro ng pamilya dahil nga unti-unti nang nawawala ang kanyang alaala.

Kasama rin sa movie sina Ara Mina, Quinn Carillo, Bodjie Pascua at ang mga bagong artists ng 3:16 Media na sina Rowan Diaz at Duanne David.

Ito’y mula sa panulat ng classmate ni Ai Ai noong elementary na si Ralston Jover, at sa direksyon ni Louie Ignacio.

Magsisimula na ang shooting ng pelikula sa January 27 na siyang dahilan kung bakit napaaga ang pagbabalik ni Ai Ai sa Pilipinas mula sa Amerika.

Vic, Pauleen laging ipinagdarasal na makabuo pa ng 1 baby; Xian, Vin, Madam Inutz eeksena sa b-day show ni Genesis

Ai Ai miss na miss na si Gerald: Blessed ako na kahit matagal na kami, mahal pa rin namin ang isa’t isa

Ai Ai bugbog-sarado sa netizens dahil sa pang-asar na TikTok video: Sayang ka, nakakahiya ka!

Read more...