Vin Abrenica, Sophie Albert nagpakasal na makalipas ang 10 taong relasyon: ‘I have found the one whom my soul loves’

Vin Abrenica, Sophie Albert nagpakasal na makalipas ang 10 taong relasyon: 'I have found the one whom my soul loves'

Vin Abrenica at Sophie Albert (Photos from Vin Abrenica Instagram)

MAKALIPAS ang 10 taong pagsasama bilang life partners, ikinasal na ang celebrity couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert.

Ngayong araw, January 25, nag-post sina Sophie at Vin sa kani-kanilang Instagram account ng ilang litrato na kuha sa kanilang church wedding.

Makikita sa mga nasabing IG photos ang ilang kaganapan sa naganap na wedding kabilang na ang mga litrato ng bagong-kasal kasama ang kanilang 1-year-old daughter na si Avianna na kuha sa harap ng altar ng simbahan.

“I have found the one whom my soul loves,” ang nakasulat sa caption ng kanilang mga wedding photos na mula sa ilang linya ng Song of Solomon.

Dagdag naman ni Sophie sa kanyang IG Story, “Finally a Mrs.”


Wala pang ibang detalye na ibinabahagi sina Sophie at Vin about their wedding pero base sa mga litrato, dinaluhan ito ng kanilang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Ang pagpapalitan ng “I do” ng celebrity parents ay naganap makalipas ang dalawang taon ng kanilang engagement. Nag-propose si Vin kay Sophie noong December, 2020.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Sophie kung anong sikreto ng masaya at matibay na relasyon nila ni Vin, “Honestly, I don’t know how ours is different from other relationships.

“But, I think, because, it might be cliché, ha, pero I really think, and I really, really super believe that it’s because we started out as friends.

“We’re very open about everything. Yeah, I guess we just really show, like, our true, true selves. There’s nothing na censored sa aming dalawa.

“So even the grossest stuff, even bathroom things, there’s no censor. So yeah, we’re just like friends who enjoy each other’s company, I guess,” pagbabahagi pa ni Sophie.

Vin kay Sophie: Naka-short shorts, nakataas ‘yung legs na parang, ‘Uy, nakikitaan ka na ng kaluluwa!’

#WalaNangAtrasan: Vin Abrenica, Sophie Albert naghahanda na sa kanilang bonggang wedding

Sophie Albert isinilang na ang ‘baby princess’ nila ni Vin Abrenica

Read more...