Vice Ganda at Ion Perez
TRENDING at hot topic ngayon ng debate sa social media ang mga naging pahayag ng Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda tungkol sa plano niyang magkaroon ng sariling anak.
Kanya-kanyang reaksyon at paniniwala ang mga netizens na nagkomento matapos mabasa ang isinulat namin dito sa BANDERA kamakalawa.
May mga natuwa at sumang-ayon sa balak ni Vice at ng kanyang partner na si Ion Perez na magka-baby sa pamamagitan ng surrogacy na karaniwang ginagawa ng mga mag-asawang hindi magkaanak, pati na ng same sex couples.
Aminado naman si Vice na wala talaga sa mga plano niya ang mag-baby pero bigla na lang daw nagbago ang desisyon niya, lalo na raw noong dumating sa buhay niya si Ion.
“Surprisingly, gusto ko nang magkaanak. Dati as in no-no ako diyan,” ang chika ni Vice sa panayam ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa vlog nito sa YouTube.
Pinag-aaralan na raw niya ang pagsailalim sa proseso ng surrogacy na siya ring ginawa ng perfume magnate na si Joel Cruz na may ilang pairs na ngayon ng kambal.
Sa tanong kung kailan niya na-realize na gusto rin niyang maging magulang, “Bigla lang, ‘Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya.”
Ayon pa sa Kapamilya TV host, balak na nilang kumonsulta last year sa ilang eksperto sa Amerika para sa nasabing proseso. At baka raw umabot sa mahigit P5 million hanggang P9 million ang gagastusin sa surrogacy.
“I didn’t have the luxury of time to pursue kasi ang dami kong ginagawa,” sey pa ni Vice.
Sa official Facebook page ng BANDERA, kinuha namin ang ilang comments ng mga netizens tungkol sa plano nina Vice at Ion at narito ang ilan sa mga ito.
“Wag kayo masayadong tumalak mga bitter. kasi kung kayo nga binigyan ng pag kakataon maging isang magulang sila pa kaya eh afford namn na nila yun. matuwa nalang tayo kasi blessings po yan. love you both ViceRon.”
“Good decision Vice, masarap ang may anak lalo na galing sa sarili mo.”
“Ang Dios ang nagbibigay ng anak. Huwag umasa sa 9M.”
“Katulad ng ginawa nila korina para magka baby, ganun yun, mag research po kasi muna bgo magtanong.”
“Di nman puede pagsama samahin spirm ng poro lalaki.”
“Yes at least may tga pgmana ng lahat na pinaghirapan at pinundar mo.”
“Sana naman magkaroon kau ng anak para lalong masaya. Goodluck to ur plans bless u more.”
“Ok lang yan kung sa iyo manggagaling ung scell. Para masasabi mong anak mo sya talaga. Gawin mo kung ano Ang makakapagpasaya sa iyo. At maipapamana sa kadugo mo ang yaman mo galing sa pagsisikap at pinaghirapan mo.”
“Panong mangyayari parehas Silang lalaki maliban nalang kung may eggcell nang Babae pwede Yun.”
“Dapat Iba talaga FB ng matatanda ee Kasi Minsan imbes na sakin kanila nanaggagaling yung pang unawa at respeto. Ay sila PA yung nangunguna manghusga at basura ang comment hays.”
“Ay true pansin koden yan kung sino pa matatanda sila pa ung bastos sa comment hindi muna mgresearch bago magcomment tapos mgrereklamo wala daw respeto kabataan eh syempre nakikita sa nkakatanda yun.”
“Hayaan na lang natin sila sa gusto nilang gawin saka pera naman nya yung ipang gagastos, diyan sila masaya suportahan na lang. for sure nman walang paki alam si mimi vice sa mga taong wlang alam kundi pag pyistahan ang buhay ng ibang tao, at gagawin nya kung ano gusto nya at magpapasaya sa kanya! spread love not hate!”
“Kahit man ako bilang isang ordinaryong tao kung mayroon akong pera ganyan din gagawin ko kung hindi madaan sa natural way para magkaroon ng anak!”
“Surrogacy is unethical and exploitative. Womb rental for some one else pleasure. God forbid them.”
“Mdmi n ganyan ngaun hello mdming beki or lesbian n n nagkkanak dhil s mkbgong med tech krniwan foreigner kinukuha sna filipina nya ipa inject ung sperm cell nya.”
“Daming bitter dto intindhin nio mga anak nio anak ng anak nasalansangan wlang makain d makapagaral ng ayus, wag si vice ion my mga pera yan masuwerte maging anak nila meron sila patutunguhan. gumawa man sila ng bata at least magandang buhay naka abang biweset che. Mga taong toh.”
Vice Ganda gagastos ng P9-M para magkaroon ng sariling baby sa pamamagitan ng surrogacy
Joel Cruz gumastos ng P52-M para sa 8 anak na nabuo sa pamamagitan ng surrogacy
Korina sa tanong kung tatakbo uli sa 2022 si Mar: Parang wala na talaga siyang plano…