Dolly De Leon wagi bilang Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards

Dolly De Leon wagi bilang Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards
ISA na namang karangalan ang nadagdag sa listahan ng aktres na si Dolly De Leon ngayong araw matapos itong magwaging Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards na ginanap sa Cirkus, Stockholm, Sweden.

Talaga namang pak na pak ang naging pagganap nito bilang si Abigail sa critically-acclaimed film na “Triangle of Sadness” kaya hindi kataka-takang nagwagi ito ng parangal.

Tinalo ni Dolly ang iba pang nominado na sina Carla Seh para sa pelikulang “Stammisar”, Liv Mjönes sa pelikulang “Tack for the Last Time”, at Marika Lindström sa pelikulang “Burn All my Letters”.

Maging ang pelikulang “Triangle of Sadness” na kanyang pinagbidahan ay wagi ng awards gaya ng best movie, best director, best costume design, best actor in a supporting role, at best mask design.

Ang castinf director na si Pauleen Hansson ang tumanggap ng parangal para kay Dolly.

Ibinahagi naman ng aktres sa kanyang Instagram stories ang tagumpay niya maging ng kanyang mga kasama sa pelikula.

Kamakailan lang nang personal niyang tanggapin ang Best Supporting Performer Award sa Los Angeles Film Critics Association kung saan siya ang kauna-unahang Filipino na nagkamit ng parangal na ito.

Ang Guldbagge Awards ang leading film awards sa Sweden na nagsimula pa noong 1964 at katumbas ng Academy Awards.

Related Chika:
Dolly de Leon wagi pa rin kahit tinalo ni Angela Bassett sa 80th Golden Globe Awards; pakikipaglaban sa Oscars abangers na

Karen ipagdarasal ang patuloy na paglaban ni Dolly sa Hollywood, hindi man sang-ayon sa resulta ng Golden Globes, pero…

Dolly de Leon sa nakuhang nominasyon sa 80th Golden Globe Awards: Hindi ako sanay sa ganito, ang sarap!

Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!

Read more...