Christian Bautista, Kat Ramnani 4 years nang kasal pero wala pang anak: ‘We’ve been praying for it and trying…’

APAT na taon nang kasal ngayon sina Christian Bautista at Kat Ramnani pero hanggang ngayon nga ay wala pa rin silang baby.

Handa na naman daw silang maging parents anytime pero mukhang hindi pa raw dumarating ang tamang panahon para magkaroon sila ng anak.

Ngunit nilinaw naman ng mag-asawa na hindi sila feeling pressured na magka-baby kahit na nga paulit-ulit ang nagtatanong kung kailan ba mabubuntis si Kat.

“When the right time comes. When the Lord gives us that child. We’re, of course, longing for a family of our own,” ang pahayag ni Christian sa interview ng broadcaster na si Karen Davila.

Sabi naman ni Kat, nagpapasalamat sila ni Christian na may mga medical advancements na sa bansa na maaari nilang magamit sa pagkakaroon ng mga kids in the future.

Excited na raw siyang maging mommy ng first baby nila ng Kapuso star pero sabi nga niya, handa silang maghintay sa pagdating ng hinihintay nilang blessing.

“We’ve been praying for it and trying. We’re thankful for all medical advances that are there to assist us.

“Not maybe our time right now but hopefully in the future. Because I think Christian will be a phenomenal dad. And I’d be honored to have a kid with him,” sabi ni Kat.

“The only opinions that matter to me are my husband’s and my family’s. And they’ve never pressured us. I’m fine with it. And I know it’s in God’s time. So I don’t feel the pressure,” dagdag pa niya.

Samantala, sa pagdiriwang naman ng kanyang 20th year sa music industry, magkakaroon ng major concert si Christian sa January 28, titled “The Way You Look At Me” na magaganap sa Samsung Performing Arts Theater sa Makati City.

Related chika:

5 Kapuso matinee idol mag-aagawan kay Sofia Pablo; Alden, Julie Anne, Rayver, Christian may pasabog sa GMA 2023 Countdown

Read more...